Off-cam ’di nagsasalita: Mikael panay ang kuwento sa tatlong taong relasyon nila ni Megan
Sa harap ng mga TV camera, hindi inaamin ni Mikael Daez na boyfriend siya ni Megan Young pero off-cam ay nagkukuwento siya na tatlong taon na ang relasyon nila ni Miss World 2013.
Napag-uusapan uli ang inililihim na love affair ng dalawa dahil malaki ang tsansa na magkita sila sa London, England. Ipapadala si Mikael ng GMA 7 sa isang show para sa Filipino community sa London na official residence naman ni Megan hanggang sa 2014.
Ikinukuwento ni Mikael na nagkakausap sila ni Megan sa teleÂpono, isang pruweba na may communication sila. Igalang muna natin ang desisyon nina Mikael at Megan na huwag aminin sa publiko ang kanilang relasyon. Hintayin na lang natin ang pasabog nila kapag natapos na ang reign ni Megan bilang Miss World 2013.
Donna at Janine parang magkapatid sa pagiging malamya
Personal ang endorsement ni Donna Cruz sa remake ng Villa Quintana. May karapatan si Donna na i-endorse ang Villa Quintana at si Janine Gutierrez dahil siya ang gumanap na Lynette sa original version ng teleserye na napanood din sa GMA 7 noong 1995.
Malumanay magsalita si Donna at ganoon din si Janine. Pareho rin sila ng aura. Hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili kay Janine para gumanap na Lynette sa remake ng Villa Quintana na mapapanood na, simula bukas, pagkatapos ng Eat Bulaga.
‘I shall return’ - Jinggoy
Nag-fly away na kahapon si Sen. Jinggoy Estrada. Pumunta sila sa Amerika ng kanyang misis na si Precy na hihingi sa isang American specialist ng second opinion tungkol sa bukol niya sa dibdib.
“I shall return†ang mala-General Douglas McArthur na sabi ni Papa Jinggoy na nangako na babalik siya sa Pilipinas sa Nov. 17.
Pinabulaanan ng senador ang mga tsismis na sinadya niya na umalis para hindi sila magkita ni Janet Lim-Napoles sa senate inquiry tungkol sa pork barrel scam na mangÂyayari sa Nov. 7.
Walang reason si Papa Jinggoy para iwasan si Mama Jenny ’no?! Nagkataon lang kailangan talaga na samahan niya si Precy sa biyahe nito sa Amerika.
Mamang sorbetero nami-miss sa Heritage Park si Jenny Napoles
Napanood ko pa noong nakaraang taon sa mga news program ang bonggang Halloween party sa puntod ng mga magulang ni Mama Jenny sa Heritage Park sa Taguig City.
Inaabangan ang Halloween party sa musoleo ng mga Napoles dahil sa presence ng mga artista, mga pulitiko, at ang mga pagkain na bumabaha na dinarayo ng informal settlers sa Taguig. Ilang taon na ipinalabas sa TV ang party sa Heritage Park dahil sa kakaibang selebrasyon.
Iba na ang eksena noong All Saints’ Day dahil nakakulong na nga si Mama Jenny sa Fort Sto. Domingo. Ipinakita pa rin sa mga news program ang musoleo ng mga Napoles pero tahimik ang paligid at wala na ang bonggang party na pinakahihintay ng informal settlers na nakatira sa may Heritage Park.
Napanood ko ang interbyu sa vendor ng dirty ice cream na punumpuno ng panghihinayang dahil taun-taon ay pinapakyaw ni Mama Jenny ang kanyang sorbetes na ipinamimigay sa mga bata.
Malungkot si Mamang Sorbetero noong Biyernes dahil hindi naubos ang dirty ice cream na itinitinda niya dahil wala nga si Mama Jenny. Wala nang pumakyaw sa kanyang sorbetes.
- Latest