^

Pang Movies

Hindi na nang-giyera sa mga pasabog ng ate Claudine nag-iba ng atake, pinuri-puri ang parents na inaway-away ni Gretchen

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sumawsaw si Claudine Barretto sa away ng ina at kapatid na si Gretchen Barretto base sa inilabas niya sa kanyang Twitter account. Bagkus ay ipinahayag niya ang pagmamahal at suporta sa ina at magulang.

Sa halip ay ang mga follower niya ang nagbigay ng maaanghang na komento at panlalait ang ibinato sa kanyang Ate Gretchen.

Hayan, may third character nang pumasok sa Gretchen-Inday teleserye, huh! Teka, kelan naman kaya magbibigay ng salita si Marjorie Barretto na kakampi ni Greta?

Baguhang aktor inilaglag na ang manager na nagsilbing protector nang maglabasan ang nude photos

Nilayasan na rin pala ng isang baguhang aktor ang kanyang discoverer-manager na naging protector niya nung kasagsagan ng kanyang sexy pictorial. Feeling ng iba, binalewala ng aktor ang mga depensa sa kanya ng manager nung time na maglabasan ng nude photos niya.

Eh mukha naman daw walang loyalty ang aktor sa mga taong nakatulong o kasalukuyang tumutulong sa career niya. Mas importante sa kanya ’yung kung sino ang magbibigay ng trabaho sa kanya.

Kaya naman ang aktor, may project man sa network, neither here nor there naman ang takbo ng career!

Bossing Vic at Ryzza Mae lumalaban na sa paramihan ng iniendorso

 Hindi na solo nina Kris Aquino, Anne Curtis, John Lloyd Cruz, Angel Locsin, at Robin Padilla ang mundo ng TV commercials. Pumasok na rin sa eksena sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Lumalaban na nga sina Bossing at Ryzza Mae sa limang celebrity endorsers pagdating sa visibi­lity sa mga TV commercial. Kung hindi kami nagkakamali, lima ang commercials ni Vic na umeere ngayon sa telebisyon habang apat naman ang kay Aling Maliit.

Makatawag-pansin ang bagong donut commercial ni Ryzza Mae dahil kasama niyang bida si Bimby Yap, Jr. huh! Tulong na rin ito sa promo ng festival movie nilang My Little Bossing.

Bagay na bagay si Bimby bilang bossing na astig ang dating na ala-public official. Cute naman ang da­ting ni Ryzza Mae lalo na sa pagsasabi niya ng dialogue na, “Tamang sweet lang.”

For sure, magkakaroon ng indirect advertising ng kani-kanilang produkto sa kabuuan ng My Little Bossing.

vuukle comment

ALING MALIIT

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

ATE GRETCHEN

BIMBY YAP

BOSSING VIC

CLAUDINE BARRETTO

MY LITTLE BOSSING

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with