Maraming artista nagkawindang-windang sa intriga dahil sa social media!
Ibinasura ng QC prosecutor’s office ang reklamong grave coercion ni Sarah Lahbati laban kay Annette Gozon ng GMA, Arsi Baltazar at iba pa, kabilang ang dating syota ni Jolina Magdangal na si Bebong Muñoz.
Ang reklamo ni Sarah ay dahil pinipilit daw siya ng mga taong iyon na pumirma sa isang co-management contract na maglalagay sa kanya sa ilalim ng Icon Management, ganung siya ay contract artist na ng GMA Talent Center. Sinabi ni Sarah na kung pumayag siya roon, wala nang maÂtitira sa kanyang kikitain dahil kuÂkuha na ng porsiyento sa kanya ang GMA, kukunan pa siya ng porsiyento ng bagong management firm.
Sinasabi rin niyang iyon ang nagtulak sa kanya para pumirma ng isang co-management contract sa ilalim naman ng ermat ng kanyang boyfriend, si Annabelle Rama.
Ang kasong iyan ay bilang sagot din naman niya sa breach of contract na iniharap laban sa kanya ng GMA, at isang kasong libel na iniharap din sa kanya ni Gozon matapos na mag-post siya ng statement sa kanyang social networking site.
Pero hindi ba ninyo napansin, simula nang ang mga artista ay nagsimulang mag-post sa mga social networking sites lalo silang naging exposed sa mga problema? Noon nagagalit sila sa kritisismo ng mga kritiko, na constructive critiÂcisms naman. Ngayon biktima sila ng mga bashers, na dati hindi umaabot sa kanila. Ngayon nakikipagtungayawan na sila sa mga kalaban nila.
Marami na rin silang inaabot na kaso dahil sa mga social networking sites. Kasi hindi naman nila alam ang limitations ng maaari nilang sabihin. Hindi dahil sa social networking sites lang iyan ay libre sila sa libel kung identified sila. At saka ano ang laban nila sa mga bloggers at mga bashers na hindi naman gumagamit ng tunay na pangalan.
Halimbawa nga si Gretchen Barretto. May mga bashers niya na pinaniniwalaan niyang isang tao lang naman, na gumagamit ng multiple accounts sa mga social networking sites. Pero papaÂano mo nga ba maipi-pin down ang mga ganoong tao?
Ang totoo nakakasama sa mga artista iyang social networking site accounts nila eh.
Magkapatid na Teng mas tinitilian kesa sa magkapatid na Paras
Noong maging guest ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang show ang magkapatid na basketball players, sina Jeron at Jeric Teng, talagang kitang-kita ang malakas na tilian ng mga fans. In contrast, parang dry iyong guesting naman noong magkapatid na Andre at Kobe Paras sa isa pang show, pero ang observation ng marami, mas lamang talaga ngayon ang popularidad lalo na ni Jeron Teng.
Hindi lang basketball iyan. Pa-nalo ang ABS-CBN diyan dahil nakuha na nila si Jeron Teng para sa kanilang show na Got to Believe. Kawawa naman ang kalaban.
Sikat na pogi, tinatarget ng malas na aktres
Ngayong break na ang isang female star at ang kanyang sikat na boyfriend, balak naman daw pasukan ng isang female star na may image na “jinky†ang pogi. Iyang sexy star na “jinky†mahilig din kasi sa mga pogi at mga may foreign blood. Kaya lang baka madamay naman ang poging ex sa kanyang pagiging “jinky†sayang naman.
- Latest