^

Pang Movies

Fans worried sa madalas na pagngiwi ng aktres

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Worried na ang fans ng aktres dahil hirap na hirap ito sa pagsasalita at may mga moment na nangi­ngiwi siya.

Asking ang fans, ano ang nangyari sa face ng aktres na normal na normal ang itsu­ra noon? Kung nababahala raw sila, mas lalong dapat na mag-alala ang aktres dahil ang mukha nito ang tampulan ng mga usap-usapan. Ilang buwan na kasi na hindi normal ang kanyang facial expression.

Dennis gustong balikan ng mga babae

Sinagot na ni Dennis Trillo ang isyu na may kinalaman siya sa pinag-uusapan na break up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

Umapela si Dennis na huwag nang idamay ang kanyang pangalan sa naganap na hiwalayan dahil inosente siya.

Nagtataka si Dennis dahil nasasangkot siya kapag nakikipaghiwalay sa mga boyfriend ang kanyang mga ex-dyowa. Bakit nga ba parang nahihirapan ang mga dating karelasyon niya na kalimutan siya?

Sa mga naging girlfriend ni Dennis, si Carlene Aguilar lang ang hindi natsismis na gustong makipagbalikan sa kanya eh sila pa ‘yung may anak ‘ha? Nagpakasal si Carlene kay Yo Ocampo at happy siya sa piling ng kanyang asawa.

Luis nakarecover na

 â€œThings happen for a reason so we have to part ways”  ang sagot ni Luis Manzano sa mga reporter na nakausap niya sa isang fashion show noong Miyerkules at  nag-usisa tungkol sa paghihiwalay nila ni Jennylyn Mercado.

Napanood ko ang video ng interview kay Luis at base sa kanyang pagsasalita, naka-recover na siya. Mukhang nauna si Luis na maka-move on kesa kay Jennylyn na diumano, iniiyakan pa rin ang nangyari.

 Ang sabi ng mga reporter na nakausap ni Luis, malabo na ang posibilidad na makipagbalikan ang aktor sa kanyang ex-girlfriend. Intrigang-intriga ang lahat sa tunay na dahilan ng hiwalayan dahil hindi nagbigay ng clues si Luis. Sinabi lang niya na sila lamang ni Jennylyn ang tunay na nakakaalam ng rason.

Knowing the reporters, gagawin nila ang lahat para malaman ang the truth and nothing but.

Sugo tuloy na, tikoy Aguiluz hindi tumalikod

Nag-look test na kahapon si Richard Gomez para sa Sugo, ang epic movie na ipo-produce ng Iglesia ni Cristo.

Hindi na kasali sa cast ng Sugo si Senator Bong Revilla, Jr. pero tuloy pa rin ang participation nina Albert Martinez, Congressman Alfred Vargas, at Gabby Concepcion na replacement ni Bong.

Malapit nang matapos ang 2013 kaya siguradong sa 2014 na ang showing sa mga sinehan ng Sugo na isasabay sa Centennial celebration ng simbahan na itinatag ni Felix Manalo noong 1914.

Si Cesar Montano ang direktor ng Sugo pero nakarating sa akin ang balita na direktor din ng project si Tikoy Aguiluz.

Hindi raw totoo na tinalikuran ni Papa Tikoy ang Sugo kaya si Cesar ang ipinalit sa kanya.

Lovi magpapasalamat sa mga taga-Laguna

May show bukas, 5 p.m. sa terminal area ng SM City sa Calamba, Laguna ang cast ng Akin Pa Rin ang Bukas ng GMA 7.

Sina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Ruru Madrid ang magpapasaya sa mga kababayan natin sa Calamba. Ang mall show ang pasasalamat nina Lovi at Rocco sa mga residente ng Laguna na walang sawa na tinututukan ang Akin Pa Rin ang Bukas.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

ALBERT MARTINEZ

JENNYLYN MERCADO

LUIS

LUIS MANZANO

SUGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with