^

Pang Movies

Pelikulang Metro Manila nasapul ang kahirapan ng MM

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Dahil sa biglang ulan nung Huwebes ng gabi ay apektado uli ang mga kabubukas pa lang na pelikula, partikular na ang Metro Manila. Signal No. 2 na sa maraming parte ng Luzon pagdating ng Biyernes kaya lalong kumonti ang mga gumagala sa mga mall.

Sana naman makabawi pa ang Metro Manila mula Sabado hanggang sa susunod na Miyerkules dahil hindi magsisisi ang mga makakapanood ng pelikula ng British director na si Sean Ellis. Ang ganda kasi ng pagkakagawa niya. Halos siyento porsiyento na nga na purong Pinoy ang pelikula, walang English caption, kung hindi lang talaga gawa ito ni Sean at ng kanyang British team.

Ang galing-galing ng atake ng kuwento, cinematography (si Sean din), kabuuang dialogue (cast na ang nag-translate), mga flashback, at mga karakter mismo sa pelikula. Pinitik dito ang moralidad ng pamumuhay sa kalakhang Maynila o Metro Manila. Kahirapan nga ba ang ugat ng krimen? Ipinasilip ng director-scriptwriter ang mga barung-barong sa tabi ng ilog, mga taong walang trabaho, at isang bar na hitik sa mga nagsasayaw na babae na may extra service. Mukhang karaniwan na pero lahat ng iyon ay espesyal na sangkap sa pelikula.

Dito mapapatunayan na hindi importante ang star o face value ng mga bida kung mailalabas naman ang totoong talento na hinihingi ng mga eksena. Nagko-complement sa isa’t isa sina Jake Macapagal at John Arcilla. Super galing talaga nila!

Isang saludo rin sa iba pang lumabas sa pelikula na karamihan ay galing sa teatro dahil si Jake, na isang magaling na stage actor na nakapag-Miss Saigon na, ang napakihan ding bumuo ng Pinoy cast.

Kaibigan niya kasi ang direktor at sa umpisa ay dapat tutulong lang siyang maghanap ng pangunahing tauhan na si Oscar Ramirez, isang magsasaka sa Banawe na napilitang subukan ang kapalaran sa Metro Manila para maiba naman ang takbo ng buhay ng kanilang mag-anak. Walang kamalay-malay si Jake na inoobserbahan pala siya ni Sean hanggang sa kanya na nga ibinigay ang karakter ni Oscar o Oca. At siya na rin ang kumontak sa iba pang aktor na lumabas sa pelikula.

Si John, na gumanap sa role na Ong, ay sobrang nakakabilib na kontrabida. Parang alam na alam niya kung paano maging armored van driver na tagadala ng mga nakakahong pera at kung paano magpaputok ng shotgun ng mga guwardiya. Siya ang dominante at manggagamit na senior driver ng bagong pasok at inosenteng si Oca.

Kahit si JM Rodriguez sa isang espesyal na role ay hindi aakalaing mailalabas ang acting talent na tamang-tama ang timpla. Walang sound ang karakter niyang si Alfred Santos na ginamit sa flashback pero damang-dama ang ibinuhos ni JM sa kanyang eksena.  

May leksiyon ang Metro Manila. Ma­lungkot siyang pelikula pero mag-iiwan ng pag-asa sa misis (Althea Vega) ni Oca at sa dalawa nilang maliliit na anak na makapagsimulang muli.

***

May ipare-rebyu?

E-mail: [email protected]

 

 

ALFRED SANTOS

ALTHEA VEGA

JAKE MACAPAGAL

JOHN ARCILLA

METRO MANILA

MISS SAIGON

OSCAR RAMIREZ

PELIKULA

SEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with