^

Pang Movies

Regine natakot sabunutan si Sharon

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inihahandog ng Kapatid Network ang kauna-unahang teleserye ni Sharon Cuneta bilang si Madam Chairman.

Noong una ay takot sumabak sa serye si Sha dahil malaking oras ang kakainin nito sa pagtetey­ping. Pero aware siya na ang trabaho ay trabaho kaya dapat lang na ibuhos ang panahon para mapaganda ang teleserye.

Gagampanan ng Megastar ang karakter ni Elizabeth ‘‘Bebeth’’ de Guzman na isang mabuting asawa ni Jay Manalo at isang mabuting ina rin.

Kasama rin si Regine Angeles na magkakaroon ng relasyon kay Jay kaya magkakaroon sila ng eksenang sabunutan ng Megastar.

‘‘Noong una takot akong makipagsabunutan sa kanya dahil ang bait-bait niya at nagdadala pa siya ng pagkain sa set. Pero inalalayan niya ako sa eksena at sinabing gawin ko lang makatotohanan ang aming­ sabunutan dahil bahagi ito ng trabaho ng isang artista,” sabi ng TV5 talent.

 Kasama rin sa dramedy sina Fanny Serrano, Tony Mabesa, Jim Pebanco, Nanette Inventor, Patani, Bearwin Meily, at Toby Alejar.

Ang Madam Chairman ay magsisimulang mapanood sa Oct. 17, 7 p.m., sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Naiibang pelikula

Nakakuwentuhan ko sa presscon ng Madam Chairman ang isang publicist ng TV5 at nabanggit niyang isa sa pinakamagandang pelikulang napanood niya ang About Time na ini-release ng Solar Entertainment Corporation.

Ayon dito, napaiyak siya sa ilang eksena at dama nito ang pagmamahalan ng mga bida na sina Domh­nall Gleeson at Rachel McAdams.

Naka-relate siya sa istorya at sinabing kung isasalin ito sa pelikulang Pilipino ay puwede itong tampukan nina Bea Alonzo-John Lloyd Cruz, Marian Rivera-Dingdong Dantes, o Angel Locsin-Aga Muhlach.

vuukle comment

ABOUT TIME

ANG MADAM CHAIRMAN

ANGEL LOCSIN-AGA MUHLACH

BEA ALONZO-JOHN LLOYD CRUZ

BEARWIN MEILY

FANNY SERRANO

JAY MANALO

JIM PEBANCO

MADAM CHAIRMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with