^

Pang Movies

OTJ sure na ang remake sa Hollywood!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Magkakaroon na ng Hollywood remake ang pelikula ni Erik Matti na OTJ: On The Job.

Ayon sa Canadian film critic na si Chris Bumbray of Joblo.com, ang three-time Emmy Award-winning actor Bryan Cranston of the series Breaking Bad ang siyang napipintong gumanap sa role na Tatang na ginampanan ni Joel Torre.

“This would be a great role for someone like Bryan Cranston in an American redux — which apparently is already on the books,” say pa ni Bumbray.

Pinuri rin ni Bumbray ang performance ni Gerald Anderson, bilang prison inmate na napasali sa isang sindikato na ang trabaho ay ang pumatay para sa mga matataas na pulitiko ng bansa.

Ang Los Angeles-based production company na XYZ Films ang siyang nakakuha ng story rights ng OTJ at ipapadirek nila ito sa Icelandic film director na si Baltasar Kormakur para sa US version. Kilala si Kormakur dahil sa mga pelikulang Contraband at 2 Guns na parehong bida si Mark Wahlberg.

Usapan pa lang na baka si Mark ang gumanap sa role ni Gerald sa US remake ng OTJ.

Sharon nagpaka-losyang

Lahat ng big events ng TV5 ay dinadaluhan ni Megastar Sharon Cuneta. Ito ang paraan ng kanyang pagsuporta ngayon sa mas pinalaki at mas pinagandang program lineup ng Kapatid Network.

Bukod nga kasi sa weekend show niya with Ogie Alcasid na The Mega and the Songwriter, meron ding daily tawa serye si Sharon na Madam Chairman.

Say nga ni Sharon, mas ganado na siyang magtrabaho ngayon dahil ang mga show na ibinigay sa kanya ay ang mga gusto niyang gawin talaga.

Tulad na lang nga ng The Mega and the Songwriter, sobra ang pasasalamat niya sa mga parating nakakapanood nito at pati na ang pag-trending nila sa Twitter parati.

“Thank you very much kasi I think it shows na we’re very happy together, that we love what we’re doing and we love working together and we love our show.

“I think everything is falling into place na. TV5 is becoming more aggressive that their programming is so much better,” say pa ni Sharon sa trade launch event kamakailan ng TV5 sa NBC Tent, Taguig City.

Susunod namang mapapanood si Sharon sa first ever teleserye niya at ibang Sharon ang mapapanood ng kanyang fans dahil magpapatawa siya rito.

“Dream come true! Kasi mas nakilala ako sa drama. Pero ’yung mga kilala ako ever since talagang masayahin ako. Bibihira akong nakasimangot. Talagang bungisngis ako.

“So, talagang sa lahi namin yata, ’yung kapatid ko, ’yung Mommy ko, ’yung Daddy ko, marunong kaming magpatawa o kami lang ’yung nagtatawanan.

“So, parang ang sarap na may outlet at tamang-tama lang talaga. Saka it gets better every week, ’yung Madam Chairman.

“Merong isang week na hindi mo aasahang tatawa ka. ’Tapos may moment naman na hindi mo ini-expect, iiyak ka, mata-touch ka.

“So, sana abangan nila lalo na ’yung Madam Chairman kasi it’s daily, Monday to Friday. ’Tapos, Sunday kami naman ni Ogie iba naman ang makikita nila sa amin.

“So, Madam losyang-losyang ’tapos pagdating sa show na Mega and the Songwriter, singer uli. Sabi ko kulang na lang Sabado,” tawa pa niya.

Pero okay lang daw kay Sharon na may isang araw siyang pahinga. Gusto niyang may araw siyang nailalaan para sa kanyang mga anak na bihira na ulit siyang makita sa kanilang bahay.

Dahil sa final exams, Jasmine hindi sasama sa entourage ng Transit sa Busan filmfest

Gustuhin man ni Jasmine Curtis-Smith na sumama sa entourage ng pelikula nilang Transit na isa sa naimbitahan sa Busan International Film Festival in South Korea ay hindi niya kaya dahil priority nito ang kanyang school.

Final exams na kasi nila para sa first semester kaya subsob siya sa pag-aaral ngayon.

“But I am praying that Transit will do good in Busan. Proud kaming lahat sa movie and it was chosen pa to represent the Philippines in the best foreign language category ng Oscars in 2014,” sabi pa ng yong actress.

Nakakuha rin ng kanyang first acting award si Jasmine dahil sa Transit. She won the best supporting actress award sa nakaraang 9th Cinemalaya Indepen­dent Film Festival.

“It now motivates me to do better in my acting career. My original dream talaga was to be lawyer or a teacher. But now, I’ve I love acting. I love showbiz because of all the things it gave me in such short a time. I saw how fun it was when Ate (Anne Curtis) was doing it. I understand now why she chose this job,” pahayag ni Jasmine.

Isa nga lang muna ang show na ginagawa ng aktres for TV5 at ito ay ang gag show na Tropa Mo Ko Unli. Magre-renew pa kasi siya ng kanyang kontrata ulit bago siya magsimula sa ibang show.

“I will renew with TV5. Sa kanila ako nag-start and kahit may offers from other networks, I will stick it out with TV5 because they have so many good shows now and I want to be part of it,” saad pa ng Kapatid star.

Pagkatapos ng kanyang final exams ay lilipad papuntang Australia si Jasmine para sa kanyang semestral break.

ANG LOS ANGELES

ANNE CURTIS

BALTASAR KORMAKUR

BREAKING BAD

BRYAN CRANSTON

KANYANG

MADAM CHAIRMAN

MEGA AND THE SONGWRITER

SHARON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with