^

Pang Movies

Pelikulang ‘Pinoy’ na kinabiliban sa Sundance at isasali sa Oscars mapapanood na

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Umpisa na ang promotion ng team ng Metro Manila, ang pelikula ng United Kingdom na kasali sa mga pagpipilian sa foreign language category ng 86th Academy Awards o Oscars. Sa katunayan, nakapag-guest na sa News to Go ng GMA News TV nung Huwebes ng umaga ang Filipino theater actor na si Jake Macapagal at ang British commercial-film director na si Sean Ellis.

Sa Oct. 9, Wed., kasi ay mapapanood na ang pelikula na nagwagi ng World Cinema Dramatic Audience Award sa 2013 Sundance Film Festival sa ating mga sinehan. Ang Metro Manila ay halos purong Pinoy ang pagkakagawa. Sa Pilipinas kinunan at mga local star natin ang nasa cast. Sila-sila na rin ang nagta-translate sa Tagalog ng kanilang linya mula sa English script ni Sean na sobra ang tiwala sa kanyang mga aktor. Kita n’yo naman na pati sa pamagat ay bidang-bida ang kalakhang siyudad ng Maynila at kalapit-lugar. Ang kulang na lang talaga ay maging Pinoy ang direktor at produksiyon.

Pero hindi nga ’yun ang nangyari. British production pa ang sumugal para bumuo ng istorya tungkol sa isang simpleng magsasaka na lumuwas ng Maynila para magkaroon ng regular na kita hanggang maipasok bilang armored truck driver at naipit sa masasamang kasama. At nagbunga naman ang risk na ginawa ni Sean, na ang sabi ay isinangla pa niya ang kanyang bahay para mabuo ang pelikula, dahil napili nga ito para sa Oscars. Nakakasaya na rin ng pakiramdam kung mapapansin ang kanyang pelikula kahit ang nirerepresenta niya ay UK at hindi naman Pilipinas.

Kaya ngayon na malapit na itong ipalabas, magkakaroon na ng idea ang moviegoers sa kalidad at kung malaki ba ang tsansa nito sa pinakamalaking award-giving body.

Isa pa, maikukumpara na ang Metro Manila sa Transit na kailan lang din naipalabas sa Ayala Cinemas. Ang Transit na 100% Pinoy pero sa Israel naman ginawa ang napiling Philippine entry natin sa Oscars at Hebrew naman ang ibang dialogue ng cast. Family drama ang genre ng pelikula ni Direk Hannah Espia at ipinrodyus ng direktor ding si Paul Soriano. Ang mga anak ng mga Pilipinong nade-deport ang conflict sa kanilang pelikula.

Masuwerteng naabutan ko pa ang huling gabi ng Transit sa Glorietta 4 sa Makati City dahil hindi ko ito natiyempuhan nung ipalabas sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival. Kaya nakaka-excite na mapanood ang Metro Manila para magkaroon ng basehan. Kaninong pelikula kaya ang mas tatatak sa mga Pinoy? Pero depende pa rin ’yun sa jury ng Oscars siyempre.

Sana maipalabas din sa atin ang entry ng Singapore tungkol sa Pinay kasambahay at yaya, ang Ilo-ilo, ng direktor na si Anthony Chen. Magandang panoorin ito bilang kabaliktaran sa masamang nangyari sa buhay ng domestic helper na si Flor Contemplacion nang isapelikula ang kanyang sinapit maraming taon na ang nakararaan.

Para sa akin, kahit alin na sa tatlong Philippine-themed na pelikula ang mapiling best foreign language film sa Oscars ay ayos na rin.

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

ACADEMY AWARDS

ANG METRO MANILA

ANG TRANSIT

ANTHONY CHEN

AYALA CINEMAS

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK HANNAH ESPIA

METRO MANILA

PELIKULA

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with