^

Pang Movies

Gabby, nakialam na sa away nina Sharon at KC!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gabby, nakialam na sa away nina Sharon at KC!
Sharon Cuneta at KC Concepcion

Hindi pa pala nagkakaayos ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion hanggang ngayon.

Inamin ito ng Megastar on stage sa last and final Dear Heart: US and Canada Tour last Nov. 29 sa Vancouver.

Sa video na napanood namin ay sinabi ni Gabby Concepcion na sana raw next time ay makasama nila si KC sa concert tour.

Sagot ni Sharon, “kayo na lang muna.”

Sey ulit ni Gabby, “mas maganda kung kasama natin siya.”

Sabi naman ni Megastar, “maganda pero malakas ang tampo ko sa batang ‘yon.”

Hirit na naman ng aktor, “siyempre, mas maganda kung dalawa kayong nandirito para at least naman, matuwa silang (audience) lahat.”

Sinagot naman ulit ito ni Shawie “eh di mano­nood ako.”

Pakiusap naman ni Gabo, “magbati na kasi kayong dalawa.”

Na sinagot naman ni Sharon ng “ay, hindi ako ang may issue. Huwag na nating pag-usapan. Two years na kaming estranged.”

Pero pahabol naman niya, “oh, it’s okay. I love my daughter, I love her forever.”

Pagkatapos nito ay iniba na ni Gabby ang usapan.

Sa pinakahuling Instagram post ni Sharon ngayong araw, nag-upload siya ng larawan ng kanyang tatlong anak na babae na sina KC, Frankie and Miel.

Caption niya, “My present phone wallpaper…taken years ago…when all was right in my world.”

Sumagot si KC sa comment section ng “I love you mama.”

Matatandaang noong nakaraang Mayo ay sinabi rin ni Sharon sa interview na 2 years na silang estranged ni KC.

Buong akala kasi ng marami ay nagkaayos na sila sa first Dear Heart Concert dito sa Pilipinas noong October, 2023 kung saan nga ay nagyakapan pa silang mag-ina sa stage at nag-iyakan.

Apparently, after that concert ay hindi na nagkita pang muli ang mag-ina.

Kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan ay sila lang ang nakakaalam dahil never pa silang nagsalita tungkol dito. Pero ever since ay alam naman din ng lahat ang away-bati nilang relasyon kaya umaasa rin ang kanilang fans na pasasaan ba’t magkakaayos din sila.

Bagong endorser ng toothpaste, maingat na pinili!

Nagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat ang The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa singer na si Jose Mari Chan dahil sa walang-sawang suporta niya sa iba’t-ibang socio-civic charitable endeavors.

Pinapurihan ng FFCCCII President na si Dr. Cecilio K. Pedro ang mga kontribusyon ni Jose Mari sa isang pagtitipon kamakailan. Sa nasabing event ay itinampok din ang malawak na network ng federation composed of 170 Filipino Chinese chambers nationwide from Aparri to Tawi-Tawi.

Kilala rin si Dr. Cecilio bilang owner ng Hapee Toothpaste na ilang artista na ang naging endorsers tulad nina Ruffa Gutierrez, Rustom Padilla, at Angel Locsin.

Dahil din sa mga scam ngayon na nauuwi sa legal na demandahan sa endorsers, sila raw ay talagang maingat na ever since pa sa pagkuha.

Tulad ngayon may bago raw silang magiging endorser, pero maingat daw silang talaga.

“Siyempre, we make sure na positive ang image, maganda ang characteristic talaga,” deklara ni Dr. Cecilio.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with