^

Pang Movies

Megan biglang pinag-aagawan ng tatlong TV stations

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakausap nina Carla Abellana at Heart Evange­lista sa phone-patch interview ang first Filipina Miss World na si Megan Lynne Young a few minutes after nag-start ang Sunday All Stars ng GMA 7 kahapon sa Bali, Indonesia. Ayon kay Megan, excited na siyang makauwi ng Pilipinas pero kailangan muna niyang pumunta ng London, England. Hindi raw naman siya nahirapan kahit halos wala siyang tulog bago ang coronation night dahil hindi na bago iyon sa kanya, bilang isang artista, para lamang siyang nag-taping na sanay mapuyat. Muli, nagpasalamat si Megan sa suporta sa kanya ng mga Pinoy.

After nanalo si Megan last Saturday evening sa Nusa Dua Convention Center, Indonesia, marami nang nagtatanong kung saan nga ba siya nagsimula bilang isang artista, sa GMA ba? Pero bakit kini-claim daw ng ABS-CBN na sa kanila nagsimula si Megan? Fifteen years old si Megan nang mag-join sa GMA reality artista search na StarStruck 2 in 2005.  Si Ryza Cenon ang ultimate winner, second si LJ Reyes, at si Megan ang third place. 

In 2007, lumipat si Megan sa ABS-CBN at nag-join ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition pero hindi siya pinalad manalo. Naging contract star siya ng Star Magic pero this year since wala siyang project sa ABS-CBN, nagpaalam si Megan at nakagawa ng dalawang soap sa TV5. Nasa cast siya ng Misibis Bay nang mag-join siya ng Miss World Philippines. Isa sa prizes ni Megan bilang Miss World Philippines ay one year contract sa GMA Network kaya parang bumalik siya sa Kapuso. Pero ngayong nanalo si Megan ng Miss World title, one year siyang maglilibot sa mundo to perform her duties. Kaya pagbalik niya after a year saan kaya siya, sa GMA, ABS-CBN, o TV5?

Sid natauhan sa pasaring ni Mark Gil

 Sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig? nag-promise si Sid Lucero na magbabago na siya sa kanyang pagiging aktor, mas magiging on time na raw siya sa set na dati ay laging nagiging problema sa kanya ng production. Naikuwento rin niya na lagi siyang pinagsasabihan ng amang si Mark Gil na laging busy sa work niya, minsan sabay pa sa GMA 7 at sa Channel 2. 

Sabi raw ng daddy niya, “Hey Timmy (nickname ni Sid), I’m so busy na, ang dami kong ginagawang trabaho talaga. Ikaw? Ah, wala nga pala kasi hindi ka nagbi-behave.” 

At tumatalab daw sa kanya iyon kaya na-realize na niya ang mali niya, lalo na at isa na siyang daddy ngayon. Kaya sa Magkano Ba ang Pag-ibig? na mapapanood na mamayang hapon after ng Mga Basang Sisiw, makikita na raw ang bagong Sid as the teacher Lucio. Siya ba ang pipiliin ni Eloisa (Heart Evangelista) kaysa yaman ni Bobby (Dominic Roco)? Sa direksiyon ito ni Maryo J. Delos Reyes.

 

CARLA ABELLANA

DELOS REYES

DOMINIC ROCO

MAGKANO BA

MARK GIL

MEGAN

MISS WORLD PHILIPPINES

SID

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with