^

Pang Movies

Julia aminadong mas mature tingnan sa kanyang edad

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Julia Montes na talagang malaki ang naitulong ng Muling Buksan ang Puso teleserye para maging okay na okay na sila ni Enchong Dee. 

Matatandaan nga kasing nagkaroon ng falling out ang dalawa last year at dito sa serye uli sila naging close.

“Ngayon po, ’pag magkasama kami, okay na okay kami. Komportable po kami sa isa’t isa. So, parang wala na ’yung (mga dating nangyari). Kumbaga, hindi na namin ’yun naiisip. Okay na okay kami,” say ni Julia sa thanksgiving presscon ng Muling Buksan… held last Thursday night.

So, hanggang doon na lang ba ’yun at hindi na talaga sila bumalik sa dati?

“Eh masaya na po kami kung anuman ang meron sa amin ngayon. ’Yun na lang po muna ang ine-enjoy namin,” she said.

Same with her other leading man na si Enrique Gil. Naging close raw talaga sila dahil sa seryeng ito at hindi katulad dati na hi and hello lang sila.

“Ngayon po, more on alam na namin ’yung... like mahilig siya sa kotse. May mga alam na akong gusto niyang kotse, parang nakikilala namin ang isa’t isa, ’yung mga favorite niya, unlike before na dedma lang, trabaho lang. Ngayon hindi na,” say ng young actress.

Magtatapos na ang Muling Buksan ang Puso at hindi pa niya alam ang next project niya. When asked kung willing din ba siyang makatambal si Daniel Padilla na ka-love team ng kaibigan at archrival niyang si Kathryn Bernardo, aniya ay pag-iisipan pa niya at depende raw sa role.

“Kasi baka magmukha namang ate niya ako kasi bilang mas mature nga akong tingnan,” natatawa niyang sabi.

Magkasing-edad lang naman daw sila ni Daniel at siguro raw ay matanda lang siya sa buwan pero depende talaga sa role.

Enchong gustong pagbigyan ang ibang aktor sa primetime

Natanong naman si Enchong Dee kung okay ba sa kanyang makatambal naman si Kathryn at say niya, oo naman.

“Wow, si Teen Queen! Excited ako na makatanggap na maraming hate tweets mula sa fans nila ni Daniel (Padilla),” natatawa niyang sambit.

“But if it’s a challenge, why not? Okay ako do’n,” he added.

Pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso ay magpapahinga muna siya dahil dalawang magkasunod na heavy drama ang ginawa niya na talaga namang nakakawindang din. After Ina, Kapatid, Anak, hindi na siya nagpahinga at sumalang agad dito sa Muling Buksan ang Puso. Magbabakasyon siya pero for a few days lang naman.

Pupunta raw sila ng family niya sa Beijing, China at Mongolia.

“Humingi po ako ng anim na araw na bakasyon. Aalis lang kami ng family ko’ tapos pagbalik ko, magsisimula na akong gumawa ng pelikula with Star Cinema and Skylight. ’Yun muna ang ipo-focus ko,” he said.

Habang ginagawa niya ang movie ay medyo pahinga muna siya sa telebisyon.

“Ang dami-dami nating artista ngayon and I think it’s about time na sila muna ang makita sa primetime,” saad pa niya.

Kung susumahin daw kasi ay more than a year na siyang diretsong napapanood sa primetime at bagama’t sobrang happy and blessed siya, kadamutan naman daw kung gugustuhin niyang siya na lang parati ang mapapanood.

vuukle comment

ENCHONG DEE

LANG

MULING BUKSAN

NGAYON

NIYA

OKAY

PUSO

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with