^

Pang Movies

Batang ‘tomboy’ na tumikim sa lips ni Angel Aquino, waging best actress sa CineFilipino!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Isang baguhan ang tinanghal na best actress sa ginanap na CineFilipino Film Festival Awards Night last Sunday sa Resorts World Manila sa Pasay City at tinalo lang naman niya ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Nagwagi si Teri Malvar para sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita na ginagampanan niya ang role na young lesbian (Anita) na nagkagusto sa karakter ni Angel Aquino.

And take note, Teri is only 13 years old at first movie niya ang Ang Huling Cha-Cha ni Anita pero heto’t nanalo na siya agad ng acting award.

Actually, bago pa man ang awards night ay hinu­hulaan na ng lahat na si Ate Guy na ang panalo for Ang Kwento ni Mabuti and it came as a big surprise talaga ang pagkakanalo ni Teri.

Pero para kay Guy, bago pa man ang awards night ay sinabi na niyang hindi naman siya uma­asang mananalo dahil marami rin naman daw ang magagaling.

“’Pag nanalo, maraming salamat, ’pag hindi naman nanalo, maraming salamat din. Napanood ko ’yung preview ng ibang mga pelikula (na kasali) at marami ring magagaling kaya binabati ko rin silang lahat,” pahayag ni Ate Guy before the awards night.

Nang tanghaling best actress si Teri ay tiningnan namin ang reaksiyon ng grupo ng Ang Kwento ni Mabuti at mukhang masaya naman sila para sa bagets. Pinalakpakan ni Ate Guy ang katunggali at maging ang fans niya ay pumalakpak din, senyales na tanggap naman nila ang pagkatalo ng idolo.

Pero masayang-masaya pa ring umuwi ang grupo ng Ang Kwento ni Mabuti dahil ang nasabing indie movie ang isa sa dalawang nanalong best picture (the other one is Ang Huling Cha-Cha ni Anita) and not only that, nanalo ang direktor nitong si Mes De Guzman bilang best director and best screenplay.

Nakuha rin ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita ang best acting ensemble award.

Si Karl Medina naman ang nagwaging best actor para sa pelikulang The Guerilla is a Poet, best supporting actress si Angel Aquino for Ang Huling Cha-Cha ni Anita at best supporting actor si Bong Cabrera for The Guerilla is a Poet.

Dahil tie ang best picture na may premyong kalahating milyon, napagkasunduan ng komite na bigyan na sila pareho each ng cash prize kaya masayang-masaya ang dalawang grupong nanalo.

Sa technical award naman ay humakot ang Puti dahil napanalunan nila ang best sound, best production design, at best cinemato­graphy.

Best musical scoring and best editing naman ang nakuha ng The Guerilla is a Poet.

Ang CineFilipino Film Festival ay project ng Studio5, Media­quest, PLDT-Smart Foundation in association with Unitel Productions.

Last day na ngayong araw na ito (Sept. 24) ng showing ng mga pelikulang kalahok pero ibinalita sa amin ni Direk Mes na extended Ang Kwento ni Mabuti for one week, the only film out of eight entries na nabigyan ng extension dahil na rin sa laging soldout ang screening nito.

After the awards night ay nakausap namin si Teri. Hindi siya makapaniwala na matatalo niya ang ating Superstar.

“I didn’t expect that I would beat ‘the great’ Nora Aunor. I feel so surprised,” say ng bagets.

Bagitung-bagito pa sa showbiz si Teri, as in first movie, first acting experience, first exposure, first kiss with a girl in a movie, lahat na raw ng first.

Yes, may kissing scene siya with Angel at talaga raw nerbiyos na nerbiyos siya sa eksena. Pero thankful naman daw siya sa kaeksena niya dahil naging parang nanay daw ito sa kanya during the scene at ginabayan siya.

Bagama’t lesbian ang kanyang role, mukhang babae naman in real life si Teri dahil naka-dress ito at babae rin namang kumilos.

When asked on her take about lesbians, sagot niya ay wala namang masama sa pagiging tomboy at ikinunsidera raw niyang isang malaking challenge sa kanya ang pelikula.

When asked kung hindi ba siya natatakot na mapagkamalang tibo, aniya, “I don’t really care about people. I just want to try something new. I only have one life so I could take challenges.”

Inglisera ang bagets!

ANG HULING CHA-CHA

ANG KWENTO

ANGEL AQUINO

ANITA

ATE GUY

BEST

CHA

NAMAN

TERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with