^

Pang Movies

Celia walang effort maging mayaman!

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ayon kay Celia Rodriguez nang makakwentuhan namin sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig ay  kino-consider nito ang karakter ni Doña Hilaria Villasanta dahil hindi siya gaanong mag-e-effort bilang pinakamayaman sa kanilang bayan na aalukin si Heart Evangelista na pakasalan ang ikaapat na anak na lalaki na si Bobby o (Dominic Roco) na may mild mental retardation. Dala ng kahirapan ay baka tanggapin ni Eloisa (Heart Evangelista) ang alok ni Doña Hilaria na pakasalan ang anak nitong si Bobby.

Enjoy si Celia sa mga kabataang artista na kasama sa teleserye dahil propesyonal sila at magaling din umarte.

Sa kabilang banda tinanong namin ang glamorosang aktres na nakasama sa Ryzza Mae Show kung ano ang masasabi niya sa bata.

 â€œHanga ako sa talino niya. Bibigyan lang siya ng instruction ng direktor sa dressing room at bahala na ito sa kanyang mga interview. Spontaneous ang bata at alam kong sisikat siya nang husto balang araw.”

Magsisimula ang Magkano Ba ang Pag-ibig sa September 30 sa GMA Afternoon Prime sa direksiyon ni Direk Maryo J. de los Reyes.

Katrina-Kris, magkahiwalay pa rin ng tirahan

Kasama rin si Katrina Halili sa Magkano Ba ang Pag-ibig? Bilang si Margot na isa sa mga anak ni Celia Rodriguez. Takot siya sa direktor nila dahil perfectionist ito at baka magalit sa kanyang pagkakamali.

Nakikinig siya sa instruction ni Direk Maryo, pinag-aaralan ang script at blockings para ‘di mapagalitan. Focused ito sa trabaho.

Ipinakita niya ang larawan ng kanyang anak na mag-iisang taong gulang na. Hindi pa rin sila magkasama sa iisang bubong ni Kris Lawrence na ama  ng kanilang lovechild. Pero magkalapit ang kanilang tirahan at madalas namang dumadalaw ang singer sa kanila. May balak din pakasal ang dalawa balang araw.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

CELIA RODRIGUEZ

DIREK MARYO

DIREK MARYO J

DOMINIC ROCO

HEART EVANGELISTA

HILARIA VILLASANTA

KATRINA HALILI

MAGKANO BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with