Mader ng young actor muntik magwala sa nasuspinding credit card, isang tawag lang ng anak sa gay benefactor pinadalhan agad ng cash
Buong ningning na ibinigay sa cashier ng showbiz mama ang credit card matapos itambak doon ang kanyang pinamili. Laking gulat niya na on hold ang hawak na negotiable instrument. Either hindi nagbayad ng mga inutang ang may-aring bading ng card o talagang pina-suspend muna dahil umaabuso ang mader ng young actor na naisulat natin noon.
Sa halip na gumawa ng eksena, tinawagan agad ang gay lover ng kanyang poging anak. Siyempre biglang nagpadala na lang ng cash ang baklesh. Takot din na baka biglang mabawi ang kanyang young partner!
Dalawang pelikula ni Gov. ER ipapasok sa MMFF?!
Kahit sa mga movie industry insider, malaking misteryo ang biglang pag-atras ng movie version ng Be Careful With My Heart sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ang alibi ng produksiyon ng blockbuster teledrama, walang sapat na panahon ang mga bida sa hit soap upang mag-shooting para sa pelikula. Ubos na ang kanilang oras ng palagiang taping for the TV drama.
Mababaw na dahilan, dahil nasa isang kumpanya naman ang gumagawa ng TV show at ang nagÂpo-produce ng movie version nito. Madali nilang maiaayos ang tamang scheduling o ang paghahati-hati ng oras.
Meron pang higit na kapani-paniwalang rason, kung bakit bigla na lang iniÂurong ang Be Careful With My Heart. Meron pa kayang pamasak-butas ang MMFF Execom? Baka puwede na ring isali ang Alyas Ben Tumbling. Pati ang anak ni Gov. ER Ejercito ay puwede pang makalaban ng kanyang Boy Golden sa darating na Christmas film fiesta!
Kung wala namang pamasak, P.N.R. (puwede na rin) para higit na maraming sinehan ang maibigay sa natirang entries.
Dati ang San Pedro Calungsod movie ang sinasabing baka hindi matuloy, sa kawalan ng puhunan. Meron namang nakitang financier, umaariba na ang produksiyon at tuluy-tuloy ang shooting.
Kung talagang ayaw na ng Be Careful With My Heart, baka hindi pa napapanahon upang maging big movie star si Richard Yap.
Heart puwede nang magkaroon ng sariling art exhibit
Noon pa ipinapakita ni Heart Evangelista ang kanyang mga paintings sa Instagram. MaÂhusay siyang visual artist kaya hanggang sa GMA 7 na-display na rin ang kanyang mga obra sa 24 Oras news program.
Sana magkaroon ng one-woman art exhibit ang aktres upang makabili kami ng kanyang paintings kung sakaling ibebenta niya. Marami ring mga art dealer na interested kay Heart as a painter at gusto nilang makasama sa kanilang mga koleksiyon ang mga gawa ng pintor.
Eraserheads toys kalalabas pa lang, nagkakaubusan na
Nagkaroon ng launch ang kalalabas na The Eraserheads collectible toys. Saan kaya avaiÂlaÂble ang bagong collector’s items para makabili agad? Bigla kasing nauubos ng mga ganitong merchandise dahil maraming mga Pinoy na guÂtong magkaroon nito.
Kapag naubos kasi agad ang stock, baka maÂagal pa bago makapaglabas uli. Kung meron mang available from collectors, malaki na ang patong sa presyo.
Amalia Fuentes ipinagpalit ni Direk Elwood kay Anita Linda
Tribute para sa batikang aktres na si Anita Linda ang Otso, na lahok ni Direktor Elwood Perez sa Sineng Pambansa: All Masters Edition filmfest. Ang multi-awarded film icon ang gumanap as Alice Lake (her real name) and Anita Linda as the actress.
Pawang mga bagong movie actor ang mga kasama ni Ms. Anita Linda sa Otso, na sariling pananaw ni Elwood Perez tungkol sa sining ng pelikula.
Noong una ay isang comeback vehicle sana ni Amalia Fuentes ang lahok ni Perez sa All Masters filmfest. Nag-iba siya ng plano at biglang giÂawa ang Otso, na tiyak na makabuluhang pelikula, kahit hindi sigurado ang commercial appeal.
- Latest