^

Pang Movies

Ogie, Linggo na lang ang panahon kay Regine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Halata sa mukha ni Ogie Alcasid na happy and contented siya sa TV5.

May reason si Ogie para maging masaya dahil magaganda ang mga show niya sa Kapatid Network, ang The Gift, Tropa Mo Ko Unli, at The Mega and the Songwriter.

Sa dami ng mga show ni Ogie, tuwing Linggo lang ang kanyang family day. Naisip ko tuloy na kung tuwing Sunday lamang ang free day ni Ogie, lalong hindi puwedeng magtrabaho kapag Linggo ang kanyang misis na si Regine Velasquez. Very slim ang chance na mag-report ng regular sa Sunday All Stars si Regine.                           

Martin nawalan ng communication sa kumpareng si Michael Bublé na busy sa pag-aalaga ng bagong baby

Kumpare pala ni Martin Nie­vera si Michael Bublé dahil ninong ito ng kanyang bunsong anak.

Wala nang communication ang dalawa dahil naging busy si Michael mula nang mamayagpag ang kanyang career.

Low profile ngayon si Michael dahil aligaga siya sa pag-aalaga sa kanyang bagong silang na anak. Family man muna ang drama ng sikat na Canadian singer.

Busy din naman si Martin sa promo ng kanyang concert sa Smart Araneta Coliseum sa Biyernes.

Tatlong dekada na ang singing career ng Concert King, ang kauna-una­hang singer na associated sa GMA 7 na nag-ober da bakod sa ABS-CBN.

I’m sure susuportahan ng Kapa­milya Network ang anniversary show ni Martin dahil sa loyalty nito sa kanila.

Mga aktor na bading nakasama sa listahan ng Cosmo Hunks!

Grabe ang buhos ng malakas na ulan kahapon. Mabuti na lang, umuwi agad ako ng bahay pagkatapos sumaglit sa parlor ni Bambbi Fuentes at sa presscon ng Cosmo Hunks.

Hindi ko na nga hinintay ang presentation ng mga Cosmo Hunk. Hindi ko yata pinangarap na maghintay kung sakaling ma-late sila. Kung mga superstar nga, hindi ko hinihintay, sila pa kaya?

Matindi ang baha sa tapat ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Cord) office sa Timog Avenue, Quezon City. Imagine, may mga sasakyan na lumubog dahil sa baha na hanggang tuhod.

Makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila hanggang Biyernes. Ngayon ang anti-pork barrel prayer vigil sa EDSA Shrine. I’m sure ang huwag ulanin ang peaceful rally ang kanilang unang ipagdarasal.

Umiral na naman ang pagiging maldito ng entertainment press nang ma-sight nila ang listahan ng 69 Cosmo Hunks.

Umarko ang kanilang mga kilay dahil may mga mhin daw na pang-FHM ang beauty, hindi pang-Cosmo.

Ang ibig sabihin, may mga mhin na kaduda-duda ang gender na napasama ang names sa listahan. Sila ang mga mhin na kapwa lalaki ang type.

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

BIYERNES

CONCERT KING

COSMO HUNKS

MICHAEL BUBL

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with