^

Pang Movies

Aljur tinutulungang lumipat ni AiAi sa ABS-CBN?

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos talaga ni Aljur Abrenica ang reflections at misa kaugnay ng birthday celebration na ibinigay ni AiAi delas Alas kay Mama Mary nung Sunday, Sept. 8. Isa si Aljur sa mga kaibigang artista ni AiAi na dumalo bukod kina Nova Villa, Isabel Rivas, Brod Pete, Nikki Valdez, at Bayani Agabayani na ginawa sa clubhouse ng village ng bahay ng komedyana.

May mga tukso nga sa presence ni Aljur. Tugon ng Comedy Concert Queen, “Anak-anakan ko ’yan. Very supportive talaga siya sa lahat ng activities ko basta bakante,” rason ni AiAi.

’Yun nga lang, marami ang naintriga sa tinuran ni AiAi nung magpaalam na sa kanya si Aljur at ipakilala sa kanyang mga lawyer.

 â€œAalis na kasi si Aljur sa GMA at lilipat sa Channel 2,” kaswal na sabi ni Ai Ai.

Agad naman itinanggi ni Aljur ang sinabi ni AiAi nang saglit namin siyang makausap.

 â€œHindi totoo ‘yon! Hahaha! Nagulat din nga ako eh,” sambit niya bago sumakay sa mamahaling sasakyan.

Limang taon nang sini-celebrate ng komedyana ang birthday ni Mama Mary. Ang Mahal na Ina ang kanyang lagi pinasasalamatan sa biyayang dumarating sa kanya at kapag may problema siyang pinagdaraanan.

Naki-celebrate na si AiAi sa birthday ni Mama Mary dahil sa birthday niya sa November ay hindi siya magdaraos ng kaarawan niya. Dadalawin niya ang dalawa niyang anak na sina Sofia at Nicolo sa Amerika. Ang paggaling ng anak ang isa rin sa dahilan ni AiAi ang pasasalamat ng komedyana. Nagkasakit kasi ang anak ng pneumonia pero maayos na ang kalagayan ngayon.

Si Bishop Teodoro Bacani ang nag-officiate ng misa habang sina Father Allan, Bro. Michael, at Bro. Bo Razon ang nagbigay ng kanilang reflections sa kaarawan ng ina ni Hesus.

Showing ng Babagwa, pinaghahandaan na

Dumagsa ang suporta ng Pinoy sa Toronto, Canada nang ipalabas sa international film festival doon ang Ekstra ni Gov. Vilma Santos-Recto. Super haba ang pila ng mga gustong makapanood ng unang indie movie ni Ate Vi na matiyagang naghintay ng screening.

Bilang ebidensiya ng suporta ng ating mga kababayan, nag-post ang director na si Jeffrey Jeturian at producer na si Atty. Joji Alonso ng pictures ng crowd na nakapila. Hanggang sa Canada, bukas ang kamalayan ng mga tao sa pelikulang ito ni Gov. Vilma.

After ng Ekstra, pinaghahandaan naman ni Atty. Joji ang showing nang pinag-usapan at pinilahang Cinemalaya entry niya na Babagwa. Komo nga may mga delikadong eksena, kailangang i-sanitize ng producer ang TV trailer nito.

Bida sa indie movie sina Alma Concepcion at Alex Vincent Medina at showing na sa Sept. 18.

 

AI AI

AIAI

ALEX VINCENT MEDINA

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALMA CONCEPCION

ANG MAHAL

ATE VI

MAMA MARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with