^

Pang Movies

Ka-join ng mga milyun-milyong Pinoy: Sharon galit na galit din kay Napoles, pork barrel ni Sen. Kiko napunta raw sa tama

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa kanyang official Twitter account ay nilinaw ni Sharon Cuneta na hindi totoong babalik siya sa ABS-CBN.

“Sa mga nagtwi-tweet, nagtatanong na kung babalik po ako sa kapamilya, ang sagot ko po ay ‘Hindi.’ May kontrata ako sa TV5 at inaalagaan naman nila ako. Lagi pa ring nasa puso ko ang Kapamilya at 23 yrs akong nandoon mula nung nag -uumpisa pa sila ulit at di pa nag-number one. Pero ako po ngayon ay Kapatid na at masaya po ako. Thank you!” ang tweet ni Megastar.

Sinagot niya rin ang tanong sa kanya ng isang follower kung hindi ba involved ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan sa pork barrel scam.

“Not at all! His was all well-accounted for, napunta sa lahat ng dapat puntahan. :-) Thanks for as­king! I appreciate it:-),” sagot ni Shawie.

Nag-post din siya ng isang very meaningful quotation na very timely sa nangyayari ngayon sa ating politika.

“If you want to succeed in politics, you must keep your conscience well under control,” she tweeted.

She also expressed kung gaano siya ka-excited sa bagong show nila ni Ogie Alcasid sa TV5 na The Mega and the Songwriter na magsisimula na raw ngayong Sept. 15.

Pero ang nakakatuwa, tulad ng milyun-milyon nating kababayan, galit na galit din siya kay Janet Lim- Napoles at sinusubaybayan niya rin ang kaso nito. Bilang isa rin sa biggest taxpayers ng bansa, nakikiisa rin ang Megastar sa mga mamamayang naghihirap dahil hindi ginagamit ng tama ang ating buwis.

Valerie magbabakasyon sa US kasama ang ‘friend,’ iiwan ang anak

It’s been a very fulfilling for Valerie Concepcion these last few months dahil sa katakut-takot na puring natatanggap niya sa kanyang performance sa Anna Karenina.

Sobrang happy siya sa mga feedback at comment sa kanyang Twitter and Instagram account. Indeed, para kay Val, wise decision ang pagtanggap nila ng manager niyang si Becky Aguila ng nasabing Kapuso teleserye.

Ramdam na ramdam ni Val ang impact ng role niya bilang Ruth Monteclaro dahil kapag nagpupunta siya sa mall ay ito ang isinisigaw na pangalan ng mga tao sa kanya.

Three weeks na lang at matatapos na ang kanyang serye at pagkatapos nito ay magbabakasyon ang aktres sa US na well-deserve naman niya for working hard. Say nga niya, talaga raw masyado siyang napagod dahil sobrang intense ng kanyang mga eksena.

Two weeks siyang mag-i-stay sa US kasama ang isang friend. Nope, hindi raw niya boyfriend dahil wala siyang love life ngayon. Sad nga siya na hindi niya makakasama ang anak na si Fiona dahil may schooling ito.

Dahil sa magandang performance niya sa Anna Karenina, may follow-up project na ang aktres pero kasalukuyan pang inaayos.

Mga eeksena sa Star Magic Ball inaabangan, Shaina hinihintay kung sinong escort

Ngayong gabi na (Sept. 7) ang pinakaaabangang Star Magic Ball na lahat ng Star Magic artists ay invited lahat na dumalo. In fact, ito ang isa sa pinaka-importanteng event ng mga Kapamilya star na dinadaluhan taun-taon at excited lahat ng artists.

For this year, black, white and champagne ang color motifs para sa mga isusuot ng gown ng Star Magic artists na pinaghandaan na nila last week pa.

Heard na si Sam Milby ang magiging date ni Jessy Mendiola sa ball. Matatandaang umamin ang guwapong aktor recently na nililigawan nga niya ang young actress.

Expected naman na sina Kim Chiu and Xian Lim ang magka-date as well as Daniel Padilla and Kathryn Bernardo; Bea Alonzo and Zanjoe Marudo; Gerald Anderson and Maja Salvador; John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban.

Inaasahan ding kanya-kanyang patalbugan ang mga girl sa kani-kanilang gown at ang boys sa kani-kanilang suits.

We’re just wondering kung dadalo ang showbiz couple na sina Melai Cantiveros and Jason Francisco dahil ang balita nga ay buntis ang komed­yana.

Exciting ding malaman kung sino ang date ngayon ni Shaina Magdayao. Si Piolo Pascual kaya? O ang leading man niya sa Juan dela Cruz na si Coco Martin?

Dadalo rin si Empress na hindi pa alam kung sino ang kanyang date.

First time naman ni Dawn Jimenez na dumalo sa Star Magic Ball kay super excited siya. Ang newcomer ang leading lady ni Gerald sa On the Job at kapipirma lang niya sa Star Magic last February.

     

vuukle comment

ANNA KARENINA

BEA ALONZO AND ZANJOE MARUDO

BECKY AGUILA

COCO MARTIN

DAHIL

NIYA

STAR MAGIC

STAR MAGIC BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with