^

Pang Movies

Sex video ni Wally matagal na, laptop pa ng EB babe ang ginamit!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mali naman ang nakalagay sa isang blog site na sa krimen ang concubinage sa Family Code nang iugnay nito ang sex video nina Wally Bayola at EB Babe Yosh Rivera. May nakasulat pa roon na nabanggit ang opinion ng legal expert sa video na puwedeng maging ebidensiya kung sakaling kasuhan si Wally ng asawa.

Hello??? Sa Revised Penal Code pinaparusahan ang guilty sa concubinage at hindi sa Family Code! Naturingan pa namang isa sa most read ang website na ’yon!

Anyway, sariling desisyon ni Wally na huwag munang pumasok sa Eat Bulaga. Hindi siya pinatawan ng suspension ng programa dahil doon. Pero siyempre, hindi naman puwedeng kunsintihin ng management ang pangyayari.

Eh sa nakalap naming impormasyon, ilang taon na palang nangyari ang sex video na ’yon ng dalawa. Diumano, ang laptop ng girl ang ginamit sa pagkuha.

And from what we’ve learned, nag-resign na si Yosh sa Eat Bulaga bago pa man lumabas ang video. Nang pinagtagpi-tagpi namin ang ilang impormasyon, nakakuha kami ng konting lead kung paano at bakit lumabas ang video na ’yon.

Statement ni ‘Jose Manalo’ na dinampot ng mga network, peke!

Gusto palang ipaalam ni Jose Manalo na wala siyang Twitter at Facebook account. May inilabas kasing statement ang poser ni Jose sa Twitter na dinampot naman ng 24 Oras, Aksyon TV, at PEP.

Hindi naman damaging ang pahayag ng poser ni Jose nang marinig ito kahit ng komedyante mismo. Gusto lang niyang itama ang lahat. Baka nga naman sa mga susunod na araw ay hindi na maganda ang i-tweet ng poser niya, mas ma­buting ngayon pa lang ay malaman na ng publiko ang kawalan niya ng account sa social media.

Si Jose pa ba ang papasok sa social media?

vuukle comment

AKSYON

BABE YOSH RIVERA

DIUMANO

EAT BULAGA

FAMILY CODE

JOSE MANALO

SA REVISED PENAL CODE

SI JOSE

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with