^

Pang Movies

Kahit wala nang swimsuit competition, Megan baka mabantilawan: Indonesian minister pino-protesta ang Miss World!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa Martes na ang biyahe ni Megan Young papunta sa Bali, Indonesia para sa Miss World pero may problema.

Nagpoprotesta ang mga Muslim dahil ayaw nila na idaos sa Indonesia ang Miss World, kahit nagbigay ng assurance ang organizer na hindi magkakaroon ng swimsuit competition.

Mismong ang Indonesian minister na si Sur­yadharma Ali ang tutol na ganapin sa kanilang bansa ang beauty pageant. Nakasaad sa kanyang statement na “The Indonesian Ulema Council has expressed strong opposition to Miss World because it doesn’t fit with Islamic teachings that say Muslim women should cover immodest parts of their bo­dies.”

 Kung hindi matutuloy sa Indonesia ang Miss World, saan ito idaraos? Gahol na sa panahon ang organizer dahil sa Sept. 28 na ang coronation night. Puwede kaya na ilipat na lang sa Pilipinas ang event para hindi na umalis ng bansa si Megan?

 Ang lakas pa naman ng kutob ng mga Pinoy na mapapansin si Megan sa Miss World at baka siya pa ang makasungkit ng korona. 

Paano kung magdesisyon ang Miss World Organization na i-postpone for next year ang contest? Matatagalan pero mababantilawan ang reign ni Megan.

Primera Aktresa hindi na ginagamit

Kontrabida sina Rocco Nacino at Charee Pineda sa Akin Pa Rin ang Bukas. Sila ang mga magpapahirap kay Lovi Poe, ang bida ng coming soon tele­serye ng GMA 7.

Dati nang lumalabas si Charee sa mga programa ng GMA 7 pero bumalik siya sa ABS-CBN. Ang sabi ng production staff ng Akin Pa Rin ang Bukas, napakahusay na kontrabida ni Charee as in kakabugin niya si Glaiza de Castro na puro kontrabida roles din ang ginagampanan sa mga drama series ng Kapuso Network.

Napansin ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Akin Pa Rin ang Bukas na hindi na ginagamit ng GMA 7 ang title na Primera Aktresa para kay Lovi Poe.

Ang feeling ng mga reporter, pinakinggan ng management ang kanilang mga suggestion na huwag gamitin ang label na Primera Aktresa dahil mali ang salitang ito.

Bayolente ang mga reaksiyon noon ng mga repor­ter sa Primera Aktresa tag kay Lovi. Nag-emote sila na mag-isip ang think tank ng Kapuso Network ng ibang label para sa star ng Akin Pa Rin ang Bukas.

Rocco pilit na pilit kay Lovi

Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit ng ibang mga tao na may relasyon sina Lovi at Rocco.

Pilit na pilit ang pagli-link sa dalawa. Best of friends lamang sina Lovi at Rocco dahil nagkasama na sila sa maraming TV shows ng GMA 7. Kung magkakaroon sila ng relasyon, noon pa sana at hindi magkakaroon ng chance si Jake Cuenca na maging close kay Lovi.

Naniniwala ako na totoo ang mga tsismis na na­ging girlfriend ni Jake si Lovi pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Halatang-halata sa mga reaksiyon ni Lovi na may nakaraan sila ni Jake pero pinili niya na ilihim ang love affair na hindi naman nila inamin.

Si Jake lang naman ang vocal sa pagkukuwento tungkol sa happy times nila ng kanyang ex-girlfriend.

vuukle comment

AKIN PA RIN

BUKAS

KAPUSO NETWORK

LOVI

LOVI POE

MISS WORLD

PRIMERA AKTRESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with