^

Pang Movies

Young actress kleptomaniac, damit, makeup at sandals paboritong iuwi

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Todo bantay ang ilang tauhan ng isang TV series sa isang young actress. May hindi magandang balita na kasing nakarating na masyadong malikot ang kamay at kapag nagiging guest daw ito sa isang show, merong nagrereklamo na may nawawalan ng isang gamit.

Nagkataon nga na nagkakuwentuhan ang staff ng magkakaibang shows at ang naging topic nila ay ang isang young actress na malikot ang kamay. Hindi nila inakala na iisa lang pala ang tinutukoy nilang young actress.

Kuwento ng isang staff na imposibleng hindi mapaghinalaan ang young actress dahil siya lang minsan ang nasa dressing room. Paglabas niya, maya’t maya ay biglang may maghahanap ng isang gamit. May nanakawan na pala ng mamahaling sandals.

Ang problema nga raw kasi sa loob ng dressing room ay walang CCTV camera kaya hindi nila matukoy kung sino ang nagnanakaw dahil hindi lang naman si young actress ang labas-masok sa dressing room.

Minsan naman ay tumitingin ito ng mga damit sa isang stylist. Balak nitong manghiram para sa isang event na pupuntahan niya. Okay lang kay stylist dahil nagpapahiram naman talaga siya.

Dinala niya ang young actress sa kanyang studio na may racks ng mga gown at mga maleta ng mga damit. Tiningnan nga ito ni young actress pero wala raw siyang nagustuhan.

Noong magpa-inventory ang stylist sa kanyang assistant the next day, tatlong fitted dress ang nawawala.

Isang makeup artist naman ang nagkuwento na may inaayusan siyang isang artista sa dressing room ng pumasok ang young actress at nagsimulang mag-makeup dahil magpapa-VTR siya para sa isang commercial.

Binati ni young actress ang magandang kulay ng lipstick na nilagay nito sa inaayusang artista. Nag-thank you naman ang makeup artist.

Noong tulungan niyang magdamit ang inayusan niyang artista, naiwan si young actress sa may makeup table. Paglabas nila ay wala na ang young actress pero may mga dancer na pumasok para magbihis.

Nag-disappear bigla ang lipstick na binati ni young actress. Pero hindi niya ito mapagbintangan dahil may ibang tao rin na pumasok sa kuwarto.

Kaya para mahuli nga raw ay kapag nandiyan ang young actress ay tinimbrehan na nila ang security na magbantay sa kinalalagyan nito lalo na kapag nasa studio.

Kapag nasa taping location naman, kailangan na may isang staff na nasa loob ng standby tent para makasiguro silang walang mawawalan ng gamit.

Nagpasabi na rin sila sa mga alalay ng mga artista na bantayan nila ng mabuti ang mga gamit ng amo nila.

Mahirap na raw kapag may kleptomaniac sa paligid nila.

 

vuukle comment

ACTRESS

BALAK

BINATI

DINALA

ISANG

NILA

NOONG

PAGLABAS

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with