Kamag-anak ng aktor na nagpapaka-low profile, hinihintay umamin sa kanyang kabaklaan
Maling-mali ang mga haka-haka na baklita ang isang young actor. Unfair sa kanya ang tsismis dahil tunay na lalaki siya.
Ang kamag-anak ng young actor ang bading. Na-confuse siguro ang mga intrigera dahil ang young actor ang visible sa showbiz at low profile naman ang kanyang kapamilya.
Walang nakakaalam kung kailan aaminin ng kapamilya ang tunay na sexual preference. Puwedeng sooner, puwedeng later.
Baka maging inspirasyon niya si Wentworth Miller, ang action star na mhin na mhin ang projection pero umamin na bading. Hindi nagulat ang fans ni Wentworth sa kanyang admission. Mas nabigla pa sila nang malaman nila na 41 years old na ang young looking actor na nakilala sa hit TV series na Prison Break.
Aga balik-Pinoy explorer
Badly hit ng habagat at ni Maring ang Bacoor, Cavite kaya ito ang dinayo kahapon ng mga bossing at artista ng TV5.
Namigay ng relief goods sa mga residente ng Bacoor ang Kapatid stars. Maligayang-maligaya ang mga nasalanta ng kalamidad dahil nakita nila ang kanilang mga favorite star sa panguÂnguna nina Aga Muhlach, Wendell Ramos, at Paolo Bediones. Kahit paano, nabawasan ang loneliness na nararamdaman ng mga taga-Bacoor dahil sa pagbisita ng Kapatid stars.
Pinaghahandaan ni Aga ang pagbabalik sa TV5 ng kanyang weekly show, ang Pinoy Explorer, na pansamantalang nahinto nang kumandidato siya bilang kongresista ng Camarines Sur. Ang pagbisita ni Aga sa New York, USA noong June ang unang episode na mapapanood sa Pinoy Explorer na balik-telebisyon sa September.
Jolo sinagasa ang malalim na baha
Hindi pinabayaan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang kanyang mga kababayan. Ilang araw na sinagasa ni Jolo ang malakas na ulan at ang malalim na baha para matiyak niya na ligtas ang kanyang constituents.
Walang puwedeng magsabi na walang ginawa si Jolo dahil saksi ang mga Caviteño sa pag-iikot at pagbibigay niya ng assistance sa mga biktima ni Maring at ng habagat.
Japanese actor na ka-love team ni Eugene kamukha ng mga anak ni LT
Ang sabi ng mga reporter na dumalo kahapon sa presscon ng InsÂtant Mommy, kalokalike ni Renz Fernandez si Yuki Matsuzaki, ang Japanese actor na love interest ni Eugene Domingo sa pelikula.
I beg to disagree dahil mas kahawig ni Yuki si Rap, ang kuya ni Renz. I should know dahil memoryadung-memorÂyaÂdo ko na ang mukha ng mga anak nina Lorna Tolentino at Rudy FerÂnandez.
Naririto ngayon si Yuki sa Pilipinas dahil tinutulungan niya si Eugene sa promo ng Instant Mommy na ipalalabas sa mga sinehan sa Aug. 28. Tinanggap ni Yuki ang project dahil sa kagustuhan niya na makaÂtrabaho si Eugene. Type rin ni Yuki ang role niya sa InsÂtant Mommy.
Sharon back to work na, araw sumilip na
Sumilip na kahapon ang araw kaya back to normal ang showbiz. Dalawa ang presscon kahapon, ang Instant Mommy at Pyra, Babaeng Apoy ng GMA 7.
Back to work na rin ang mga artista na kagaya ni Sharon Cuneta dahil nag-resume na ang taping ng kanilang mga teleserye. Mula nang bumuhos ang malakas na ulan, nahinto ang taping ng mga drama series at shooting ng mga pelikula. At least, nagkaroon ng panahon ang mga artista na lumabas mula sa kanilang mga tahanan at tumulong sa relief opeÂrations ng mga TV network na kinabibilangan nila.
- Latest