^

Pang Movies

Bea 24 oras naghintay sa taping para sa isang eksena

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lang kagandahan ang naging puhunan ni Bea Alonzo sa kanyang mga proyekto mula sa pagsisimula sa showbiz. Nagbuhos siya ng pagsisikap at pagsasakripisyo para maging matagumpay na artista. Saksihan ito sa Bea Alonzo: Beyond Beauty sa Let’s Go Linggo Special ng Jeepney TV sa Linggo (Agosto 25), 9:00 p.m.

“Gusto ko talaga maging aktres. Doon nanggaling ang aking kasipagan,” sabi ni Bea tungkol sa kanyang mga natutunan sa mga dating karanasan niya sa industriya—mula sa pagiging ekstra sa Oka Tokat, kung saan siya naghintay ng higit pa sa 24 na oras para sa kanyang scene, na ne-edit out naman.

Sa interview niya sa Bea Alonzo: Beyond Beauty ikukwento ni Bea kung paano siya naging hindi komportable sa isang audition kung saan pinatayo siya sa tabi ng litrato ng isa sa magiging future leading man na si John Lloyd Cruz.

Bukod pa sa mga pinanggalingan niyang personal bilang isang aktres, ikukwento din ni Bea ang mga pagkakaibigan na nabuo sa kanyang buhay-showbiz —mula sa pagkakilala sa best friend niyang si Shaina Magdayao sa set ng K2BU hanggang sa paghanga niya sa talento ng beteranang aktres na si Lorna Tolentino na nakatrabaho niya sa Kay Tagal Kang Hinintay.

Ang lahat ng ito ay mapapanood pati na rin kung paano niya napahusay ang kanyang sariling talento sa tulong ni Johnny Manahan at Lauren Dyogi, ang kanyang mga mentor.

Nag-bloom na talaga si Bea at ngayon ay isa na siya sa pinakasikat at pinakamahusay na aktres ng bansa sa larangan ng sine at telebisyon. Sundan ang kanyang kwento sa Jeepney TV sa Linggo (Agosto 25), 9:00 p.m.

AGOSTO

BEA

BEA ALONZO

BEYOND BEAUTY

GO LINGGO SPECIAL

JOHN LLOYD CRUZ

JOHNNY MANAHAN

KANYANG

KAY TAGAL KANG HININTAY

LAUREN DYOGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with