Piolo pinayagang mag-indie si Iñigo para maging scholar sa film school!
Kung si Piolo Pascual ang tatanungin, ayaw niyang payagan pa sa ngayon na mag-artista ang kanyang anak na si Iñigo.
“Hindi siya mag-aartista. Not until he’s 18,†diin niya nang makausap namin siya sa presscon ng OTJ (On the Job) na latest film niya under Star Cinema.
Pero may indie film na ginagawa ngayon si Iñigo kasama si Julian Estrada at aminado naman siyang pumayag siyang gawin iyon ng anak pero isang proyekto lang at pagkatapos ay mag-aaral na uli. Nagkataon din kasing bakasyon ngayon ni Iñigo.
“The reason why pumayag akong gawin niya itong indie film with Julian and Sophia is because, ang usapan namin, gusto niyang mag-film (course) sa college, so, puwede siyang kumuha ng scholarship in any film school, kailangan niya ng credentials, kailangang may nagawa ka. He’s doing theater in school, so, sabi niya, kapag ganitong may nagawa kang legit na pelikula, puwede mong gamitin ’yun para makakuha ka ng scholarship. So, mas makakatipid ako sa college niya, ’di ba?†paliwanag ni Papa P.
Hindi naman daw sa ayaw niyang mag-artista ang kanyang anak pero ang kanya lang ay gusto niya muna itong mag-concentrate sa pag-aaral. ’Pag 18 years old na raw ito ay hindi naman niya mapipigilan kung talagang gusto pero hangga’t kaya raw niyang rendahan ay gagawin niya para lang makatapos ng pag-aaral.
“I’d be the happiest dad kung makakatapos siya ng college,†he said.
Natanong din ang aktor kung hindi ba siya nanghinayang sa pagba-backout niya sa Kimmy Dora 3 at sagot niya ay sobrang oo.
“Baka maging bipolar ako ’pag sinabay-sabay ko eh. Wala na tayong oras, so, kailangan kong tutukan itong ginagawa namin ni Toni (Gonzaga) with Inang (Olive Lamasan). Nakakahiya naman kung hindi ko ibibigay ang full time and attention ko, mako-compromise.
“I was with Uge (Eugene Domingo na bida ng Kimmy Dora series) kagabi sa premiere ng Ekstra and sobra akong nasasaktan because ito na ang last installment ng Kimmy Dora and Eugene really requested na gawin ko nga. From the beginning kami na talaga but we had to be realistic kasi hindi nga kayang gawin. But at least, happy naman ako na tinanggap ni Sam (Milby),†dagdag pa ng aktor.
Intended for Metro Manila Film Festival ang Kimmy Dora at sabi ni Piolo ay isa pa ito sa pinanghihinayangan niya – na hindi siya makakasama sa filmfest.
Samantala, ang OTJ ay bahagi ng engrandeng selebrasyon ng 20th anniversary ng Star Cinema na showing na sa Aug. 28 mula sa direksiyon ni Erik Matti. Kasama rin dito sina Shaina Magdayao, Joey Marquez, Dawn Jimenez, Angel Aquino, Michael de Mesa, Vi-vian Velez, and Rayver Cruz.
Matatandaang nagkaroon ng world premiere ang OTJ sa prestihiyosong 66th Cannes International Film Festival at pinarangalan sa Puchon International Fantastic (PiFan) Film Festival sa South Korea.
Direk Marlon hirap ikumpara si Eugene kay Rufa Mae
Sa presscon kahapon ng Ang Huling Henya na pinagbibidahan ni Rufa Mae Quinto, natanong siya kung kakabugin ba niya sa pamaÂmagitan ng pelikulang ito ang magaling din nating komedyante na si Eugene Domingo sa pelikula naman nitong Ang Babae sa Septic Tank dahil pareho ng direktor ang naturang dalawang pelikula — si Marlon Rivera.
“Iba si Uge eh. Nakasama ko naman siya, a-attend nga siya ng premiere sabi niya, saka love ko naman si Uge saka love rin niya ako. Kaibigan ko rin ’yun. ’Di ba, sa Kimmy Dora, nag-guest din ako dun?
“Kumbaga, parang isang grupo rin lang kami, sina Direk Joyce Bernal, Direk Wenn Deramas, itong sina Direk (Marlon). Hindi ko puwedeng i-compare kung ano ako kay Uge kasi iba ’yung training niya, iba ’yung paniniwala niya, iba siya.
“Saka she deserves it kasi she’s very sincere saka alam mo ’yung tuwing nakikita ko siya, parang ‘Wow, narating mo na rin ’to,’ nagbida na siya, ’yung ganun.
“Kaya pala siya umabot dito kasi marami namang nakakatawa, maraming magaling ’tapos nung sumikat siya, ilang taon na rin siya. So, sabi ko sa kanya, ‘I’m so happy for you.’
“At napi-feel ko kay Uge ang sincerity niya. Magkakasama kami sa Apat Dapat, Dapat Apat,†sabi ni Rufa Mae.
Dahil ang first movie ni Direk Marlon na Ang Babae sa Septic Tank na talaga namang naging malaking tagumpay, inaasahan din na magiging ganito rin ka-successful ang Ang Huling Henya ni Rufa Mae na showing na sa Aug. 21.
Pero say naman ni Direk Marlon, sa tinatagal-tagal na niya sa industriya ay walang kasiguraduhan parati kung ano ang kikitang pelikula at hindi, so, he can only wish na maging hit din ito tulad ng Ang Babae sa Septic Tank.
- Latest