Pirma ni Sharon napeke, lupa sa QC nakuha ng ibang tao at kumpanya
MANILA, Philippines - Nagawang mapeke ang pirma ni Sharon Cuneta sa isa absolute deed of sale at minutes ng special meeting ng board of directors ng kumpanya niyang Sharon Cuneta. Inc. upang mapunta sa isang tao and later on sa Tri Morato Megadevelopment, Inc. ang titulo ng lote niya sa No. 205 Tomas Morato Avenue, QC.
Nagsampa ng reklamong Falsification of Public Documents ang SCI laban sa isang Victor Quiambao at iba pang kasama. Nagtaka ang SCI dahil naisalin ang titulo ng lote sa isang Antonio F. Aruego nu’ng una at kasunod sa nabanggit naming kumpanya, ang Tri Morato Megadevelopment.
‘Yun nga lang, na-dismiss ng QC Fiscal ang complaint ng SCI last year. Ang ipinagtataka ng SCI, hindi sila nabigyan ng resolution ng Fiscal. Sa kanilang pag-iimbestiga lamang nalaman na dismissed ‘yung reklamo ng kumpanya ni Sharon.
Agad na naghain ng Motion for Reconsideration ang lawyers ng SCI upang mapawalang-bisa ang resolusyon ng Fiscal. Nakabinbin pa rin ito ngayon.
Bukod sa kasong criminal, naghain na rin ng civil case ang SCI kaugnay ng kaso sa isang branch ng Regional Trial Court sa QC.
Cesar itinigil na ang sustento kay Sunshine
Natigil na pala ang buwanang suporta ni Cesar Montano sa kanyang pamilya kaya naman naghain si Sunshine Cruz laban sa asawa ng kasong Violence Against Women and Children sa isang korte sa QC last Tuesday.
Sa pahayag ni Attorney Boni Alentajan kay Korina Sanchez sa programa nito sa DZMM, ang isa pang ikinagalit ni Shine ay ang paghiram ng asawa sa mga anak since last week of July at hanggang ngayon ay hindi pa isinosoli ni Cesar ang mga bata.
Ayon sa abogado na ninong din nila sa kasal, nagsunud-sunod na raw kasi ang mga abuso kay Sunshine kaya napilitan na siyang maghain ng reklamo sa asawa.
Eh, hindi lang economic abuse kundi pati physical abuse ang dahilan ng reklamo ni Sunshine.
Pelikulang Metro Manila ipinakita ang kabahuan at karumihan
Matapang na ipinakita sa pelikulang Metro Manila ang kabahuan at karumihan sa Metro Manila sa mata ng mahihirap na tao na ginampanan ng mga artista nating sina Jake Macapagal at Althea Vega.
Isinali sa Sundance Film Festival ang MM at nanalo ito ng special award. Mula kasi ito sa malikhaing kuwento ng director at producer na si Sean Ellis.
Kakaiba kasi ang konsepto ng movie. Pati mga shots ng director at anggulo ng kamera ay mai-involve ang manonood. Depressing man ang simula nito, sa bandang huli ay naging maaliwalas din ang buhay ng pamilya ni Jake.
But take note, hindi pangkaraniwan ang kuwento ng MM gaya sa mga napapanood nating mga drama o thriller, huh! Kaya naman ipinagmamalaki ito nina Jake at Althea na nabigyan ng pansin ang ginawang movie sa ibang bansa, huh!
- Latest