^

Pang Movies

Robin sumusuporta na kay BB

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nanood si Robin Padilla ng stageplay ng kanyang kapatid na si BB Gandanghari. Noong una ay hindi matanggap ni Robin ang paghahayag ng kapatid na si Rustom Padilla na siya nga ay bading at sinasabi ni Binoe na hindi niya kilala si BB at ang kapatid niya ay Rustom ang pangalan.

Pero sa katagalan ay natanggap na yata ni Robin ang kabaklaan ng kanyang kapatid.

Nauna riyan, nag-post siya sa kanyang social networking account ng picture ni BB kasama ang kanyang anak na dumalaw sa ospital nang magkasakit ang kanyang kuya/ate. ’Tapos noong huling gabi nga ng show ni BB, kasama ang asawa niyang si Mariel Rodriguez, ay nanood para sumuporta si Robin.

Nauna roon, nanood din si Rommel Padilla na kasama pa ang anak na si Daniel Padilla.

Chito at Neri hindi pa natuto sa experience ng iba

Malakas na malakas ang ulan noong Sabado ng hapon at binabagyo rin naman ang Internet ng mga tsismis dahil sa kumalat na sex video ng frontman ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, kasama ang kanyang girlfriend na dating Star Circle contestant na si Neri Naig. Naalis na ang sex video sa ibang sites noong hapon pero noong bandang gabi na ay may muling nag-post ng mahigit na pitong minutong sex video sa Facebook.

Inamin ni Chito ang sex video at humingi siya ng paumanhin sa kanilang mga magulang ni Neri dahil sa nangyaring iyon. Nanakawan pala ang kanilang bahay at ang isa sa mga tinangay ng magnanakaw ay ang hard drive ng kanyang computer. Wala naman silang ideya kung sino ang nagnakaw at kung sino ang nag-upload dahil masyadong mabilis ngang kumalat iyon sa iba’t ibang social networking sites. Pinagpistahan din iyon ng mga blogger.

Ang problema sa mga celebrity na kagaya nila, alam na naman nila na marami nang nangyayaring ganyan. Panahon pa lang ng betamax may nangyari nang ganyan sa isang sexy star at sa kanyang politician lover noon. Nanakaw ang kopya at ibinenta. Naging malaking problema rin nang manakaw din ang laptop ni Hayden Kho, Jr. Nangyari rin iyon sa isang aktor na nagpa-repair lamang ng kanyang cell phone at may nagkalat na ng mga video niya.

Doon sa nakita naming video, maliwanag na kapwa alam nina Chito at Neri ang ginagawa nilang recording ng kanilang intimate moments dahil inaayos pa nga nila ang camera at mukhang pinanonood din nila ang kanilang sarili sa monitor. Bakit nga ba kailangan silang gumawa ng mga ganyang klase ng video ng kanilang mga sarili? Hindi pa ba sila natututo sa nangyari sa iba? Kaninong video naman kaya ang susunod na kakalat?

MTRCB at simbahang Katoliko nagkakaintindihan na

Dumalaw at nakipag-dialogue si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal at ilang board members kay Manila Archbishop Cardinal Tagle. Ipinaliwanag nila sa arsobispo kung ano ang ginagawa ng MTRCB at sa huli ay binigyan naman sila ng bendisyon ng arsobispo ng Maynila.

Ngayon ay mas nagkakaintindihan na ang MTRCB at ang simbahang Katoliko. Mag-ingat na ang mga gumagawa ng kahalayan diyan, lalo na ang mga palabas na tinututulan ng simbahan.

vuukle comment

CHAIRMAN TOTO VILLAREAL

CHITO

CHITO MIRANDA

DANIEL PADILLA

HAYDEN KHO

JR. NANGYARI

KANYANG

NERI

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with