^

Pang Movies

Aktor na may gf na starlet dedma sa mga gustong magpa-litrato at autograph, sinusumpa sa isang restaurant

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Suplado at maldita ang naging bansag ng fans at nagtatrabaho sa isang restaurant nang mag-dinner ang aktor at kanyang partner na starlet. Hindi kasi pi­nansin ng pareha ang mga gustong magpa-autograph at magpalitrato sa kanila.

Nasaktan ang kanilang mga tinanggihang tagahanga sa ginawa sa kanila. Kaya sumumpa sila na hindi na panonoorin ang TV show at mga ipapalabas na movie ng dalawa.

“Akala nila, walang katapusan ang kanilang kasikatan,” say ng isang waitress doon. “Kapag lumubog sila’t nalaos, maaalala rin nila kung saan sila nanggaling.”

Ang ganitong mga maliliit na pangyayari na hindi pinapansin ng mga sikat na celebrities, naiipon lahat at bumabalik na isang malaking karma. Need we enumerate names ng Top 10 na pinaka-supladang artista, na nang kailangan na ang tulong ng masa ay ipinagkait din sa kanila? Kilala ninyong lahat ang No.1.

Sharon dalawang buwang nagpaka-normal sa Amerika

Nabasa namin kung paano nag-super bonding sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan at kanilang tatlong anak sa USA for two months last summer. Sa coast-to-coast nilang pamamasyal, halos magkasama silang lahat ng 24 hours sa loob ng 60 days.

Kanilang-kanila ang lahat ng sandali pero naisingit pa rin ni Mega ang isang live concert sa California at Philippine Independence Day parade sa New York.

Say ni Shawie, “There is no price to pay for peace.”

Ngayon ay handang muli ang Megastar na harapin ang mga bagong challenge sa kanyang career.

Gustong ituwid ni Shawie ang mga kumalat na maling balita na nag-text siya sa isang ABS-CBN executive upang mapag-usapan ang balak niyang bumalik sa dati niyang home network.

“That was a big, brazen lie,” mariing protesta ni Sharon. “Hindi sumagi sa isip ko ’yan kahit minsan at kung tungkol sa trabaho, professional naman ako upang pag-usapan ang mahalagang bagay tulad nito ng personal.”

Isa sa mga highlight ng bakasyon ng Pangilinan fa­mily ay ang pagbisita sa Cake Boss bakery star-baker Buddy Valastro sa Hoboken, New Jersey.

Angelina Jolie $33 million ang kinita last year

Nasa lahat ng entertainment section sa lahat ng diyaryo ang top showbiz story of the day — list of highest paid actresses of the world.

Si Angelina Jolie ang nasa No.1 spot, napanood sa movie na Maleficent at kumita ng $33 million last year! Malaki ang lamang niya sa second placer na Oscar awardee na si Jennifer Lawrence na ang total income for 2012 ay $26 million. Pumangatlo si Kristen Stewart ng Twilight na ang take-home pay last year ay $22 M.

Ang iba pang nasa Top 10 moneymaker ay sina Jennifer Aniston, Emma Stone, Charlize Theron, Sandra Bullock, Natalie Portman, Julia Roberts, at Mila Kunis.

Precious Lara nakausli ang puson sa kanyang print ad

Halatang hindi na-Photoshop o niretoke ang mga picture ni Precious Lara Quigaman sa isang print ad ng slimming salon. Kita pa kasing may maliit na nakausling puson sa suot niyang playsuit at medyo masikip pa sa kanya ang dating gown na baka sinuot pa niya noong nagwagi siyang Miss International.

Konting diet at workout pa at puwede ka nang mag-join sa Mrs. Universe contest, ang pageant ng mga seksing matrona.

RPN 9 naghahanap ng mga bagong talent

Through the new talent search Boses in RPN’s 12 radio stations nationwide, umaasa ang dating sikat na network na makatuklas ng sarili nilang mga bagong star. Balak kasi nilang simulan ang mga variety TV show sa kanilang channel.

Naalala pa natin ang mga palabas na Bagong Kampeon, ang naunang Tawag ng Tanghalan, at ang Eat Bulaga na dating pinanonood sa RPN 9. Ipagpatuloy ninyo para maraming magagandang shows ang pagpilian ng mga televiewer.

Pope Francis ayaw husgahan ang mga bading na tumatawag sa Diyos

Tiyak na nakadagdag ng curiosity ng mga viewer sa My Husband’s Lover ang diretsong pagtutol ni Pope Francis I sa discrimination against gay people.

“Who am I to judge a gay person of goodwill who seeks the Lord?” sagot ng Santo Papa sa mga tanong tungkol sa maselang issue.

“You can’t marginalize these people.”

Sa aming palagay, hindi kumakampi ang Santo Papa sa mga gay, he is just being fair o parehas sa lahat ng mga nilikha ng Poong Maykapal.

vuukle comment

ANGELINA JOLIE

BAGONG KAMPEON

BUDDY VALASTRO

CAKE BOSS

CHARLIZE THERON

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with