^

Pang Movies

AiAi hinanapan ng pasa at bugbog nang magpa-medico legal!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalungkot si AiAi de las Alas sa pagba-backout ng entry ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa 2013 Metro Manila Film Festival. Nagulat nga siya dahil idinagdag siya sa cast. Pero hindi raw iskedyul niya ang dahilan kung bakit umatras na ang lead actor. In fact, kailangan pa ng desisyon ng Star Cinema kung papayagan siya.

At malamang na hindi dahil sa Agosto ay may one month siyang guesting sa Toda Max dahil pinapalakas pa ito. Sa September ay busy naman siya sa promo ng movie nila ni Marian Rivera ng pelikula nilang Kung Fu Divas.

Sinabi na rin ni AiAi na kakandidato siyang congresswoman sa 2016. Gusto kasi niyang gumawa ng batas tungkol sa mga kababaihan na gaya niya na dumanas ng physical abuse sa asawa. Sariling karanasan ang dahilan. Noon kasing sila pa ni Jed Salang, inirereklamo na niya ito ng pananakit at pambubugbog. Hinahanapan pa siya ng medico-legal certificate bilang pruweba. Hinahanapan rin siya ng mga pasa at bugbog bilang patunay. Hindi pa ba sapat ’yung psychological trauma, mental, at verbal torture na naramdaman niya?

     Isa pang gusto niyang gawan ng batas ng Concert Comedy Queen ay ’yung tungkol sa pagkamahal-mahal na annulment fee ’pag gusto mo ng kumalas sa kasal. Aabot daw sa mahigit P300,000 kapag nag-file ka ng annulment. Kaya nga raw marami ang nagtitiis na lang sa kanilang malupit na asawa.

Ayaw nang magsalita ni AiAi tungkol sa estranged husband niya dahil baka ireklamo siya ng korte.

Xian masiba sa kainan

Sa presscon ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? nilinaw nina Kim Chiu at Xian Lim na hindi pa sila mag-steady. Hindi pa rin nila alam kung kailan sila magiging on. Kung talagang magiging sila, ipapaalam daw nila agad ito sa press. Ows?

Kahit kamamatay lang ng kanyang ina, masaya pa rin si Kim sa harap ng press dahil comedy picture ang ipino-promote niya ngayon at unang pelikula nila ni Xian. Nagkuwento nga siya ng katakawan ng leading man. Sa set kasi kapag kainan na ay umoorder sila ng pagkain. Si Xian, pang-dalawang tao na ang inoorder. Akala ni Kim ay isi-share ni Xian ang pagkain kay Direk Joyce Bernal. Iyon pala, siya lang mag-isa ang kakain.

So, alam n’yo na ang mga istilo kung bakit ’di ka crush ng crush mo? (ROLAND LERUM)

vuukle comment

BAKIT HINDI KA CRUSH

BONG REVILLA

CONCERT COMEDY QUEEN

CRUSH MO

DIREK JOYCE BERNAL

HINAHANAPAN

JED SALANG

KIM CHIU

SIYA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with