^

Pang Movies

Claudine hindi nakikipag-usap sa mga manager!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ayaw na palang makialam nina Boss Vic del Rosario at Shirley Kuan na namamahala sa showbiz career ni Claudine Barretto dahil hindi naman sila kinakausap nito. Ang katwiran din nila, personal na ito ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine at saka marami na ring lawyers ang aktres.

 Huling nakausap ni Boss Vic si Claudine nang pumunta ito sa kanyang office kasama ang mommy nitong si Inday Barretto at pinag-usapan nila ang paghingi ni Claudine ng separation of properties kay Raymart.  After that, hindi na sila tinawagan man lamang ni Claudine at nababasa na lamang nila ang nangyayari sa diyaryo at sa reports sa TV.

Kakasimulang TV Show tsutsugihin na nga ba?

Hindi na nga ba kinaya ng isang soap ang mataas na ratings ng kanilang katapat kaya after nine weeks ay tatapusin na ito? Nakakagulat kasi may press release pa sila na hindi raw sila nakayang patumbahin ng mga katapat nilang soap. 

Sayang din dahil malalaki ang mga artista sa main cast at kahit ang kanilang mga guest star ay kilala rin at kontrobersiyal pa. 

Frank Magalona irereto kay Louise delos Reyes

Since extended for another month ang drama series na Mundo Mo’y Akin na nanatiling mataas ang rating, expected mo nang may mga madadagdag na cha­racter. Additional character si Frank Magalona na gaganap na mayamang anak ng congressman na irereto ni Donya Charito (Jaclyn Jose) sa apong si Marilyn (Louise delos Reyes) dahil hindi na niya ikahihiya dahil gumanda na ito. 

Aktres nawiwiling magpa-lipo ng braso pero lumalabas agad kaya napapagkamalang binugbog ng asawa

Mahilig palang magpa-lipo ang aktres na ito para magmukha siyang payat pero ang siste, braso lamang niya ang lumiliit kaya mukha pa rin siyang malusog. Ang problema rin sa aktres, mahilig siyang lumabas after niyang magpa-lipo na pasa-pasa pa ang braso niya kaya napagkakamalang inumbag siya ng asawa niya.

vuukle comment

BOSS VIC

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DONYA CHARITO

FRANK MAGALONA

INDAY BARRETTO

JACLYN JOSE

MUNDO MO

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with