^

Pang Movies

Luis nagsalita na sa kanyang pagpapakasal

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Itinanggi ni Luis Alandy ang mga kumalat na balitang ikinasal na siya sa kanyang fiancé na si Bebs Hollman dahil buntis na raw. Sa USA raw sila nagkaroon ng civil wedding noong huling punta roon ng aktor para magbakasyon.

Pero natatawa na lang si Luis dahil wala ngang katotohanan na ikinasal na siya.

“I am still single but not available,” sabay tawa niya.

 â€œKita n’yo, wala akong suot na wedding ring. Kaya hindi pa ako kasal. But I am engaged pero siyempre pinaplano at pinag-iipunan natin ang lahat. I want to give my fiancé the wedding of her dreams. And she is not pregnant.”

Dagdag pa niya, kaya siya nagtagal sa US ay dahil nagplano ito na mag-enrol sa isang film school sa Los Angeles, California. Naghintay siya kung may mababakanteng slot para makapasok siya. Pero nagkataon na napuno na at next year na lang siya ulit susubok.

 â€œNagkataon naman na tinawagan ako ng manager ko at sinabing may bago akong project sa GMA 7. Kaya pagkauwi ko, itong Binoy Henyo nga ang project na gagawin ko pala,” napangiti si Luis.

Si Luis ang gaganap na ama ni Binoy na ginagampanan ng bagong Kapuso child actor na si David Remo.

Kyla balik sa pakikipagbiritan

Para sa mga naka-miss kay Kyla, abangan ang kanyang pagbabalik sa pag-perform sa Sunday All Stars ngayong Linggo.

Na-miss na ni Kyla ang umawit dahil matagal din siyang nawala pagkatapos niyang manganak sa panga­nay nila ng kanyang mister na si Rich Alvarez.

Pinoy sa the apprentice proud sa suot na Philippine flag pin

Nakaabot sa Final 2 ang Pinoy contestant sa reality competition show na The Apprentice Asia na napapanood sa AXN cable channel.

Siya ay si Jonathan Yabut na isang economics major graduate ng University of the Philippines. Isa rin siyang senior product manager para sa isang kilalang pharmaceutical company.

Na-convince ng 35-year-old contestant ang Malaysian airline tycoon na si Tony Fernandes na karapat-dapat siyang umabot sa Final 2 kasi marami siyang maio-offer dahil sa kanyang passion at ambition.

“I want to prove to Mr. Fernandes that the real me is the real apprentice… If you look into my eyes I have the most burning eyes in terms of passion. Any ambition is always matched with the resources that you have,” pahayag ni Jonathan bago siya mapili para sa Final 2 kasama ang isa pang contestant, ang Singaporean lawyer na si Andrea Loh.

Ang nakakatuwa pa kay Jonathan ay hindi niya tinatanggal ang Philippine flag pin niya sa kanyang suot na jacket. Patunay lang na isa siyang proud Pinoy.

“I wear this Filipino flag because I want to serve that inspiration to the rest of my country that there is hope and I represent that hope in them,” saad ni Jonathan. 

Twilight star Taylor Lautner darating sa Pilipinas!

Kinuhang bagong international brand ambassador ng clothing brand na Bench ang Hollywood actor na si Taylor Lautner. Nakilala si Taylor bilang si Jacob Black sa Twilight movies na naging big hit dito sa Pilipinas.

Ang latest na balita ay bibista si Taylor sa Pilipinas ngayong August para sa kanyang promotional tour sa sikat na local clothing brand.

vuukle comment

ANDREA LOH

APPRENTICE ASIA

BEBS HOLLMAN

KYLA

PILIPINAS

PINOY

SIYA

TAYLOR LAUTNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with