^

Pang Movies

Young actor matagal nang raket ang pagkabit sa mayayamang beki

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sobrang excitement ng isang rich gay nang ipakilala sa kanya ang young actor na very courteous and well-behaved. Build-up ng artista sa sarili, tuloy ang kanyang pag-aaral sa college as self-supporting student. Kahit puyat sa taping o shooting, ayaw niyang mag-absent dahil mahal ang tuition.

Nabanggit naman ng donyang baklesh sa amigang nagpakilala sa kanya sa showbiz newcomer. Natawa lang ang boogaloo (bugaw) dahil kilala niya ang talent from head to foot. Matagal na itong college drop-out at mayayamang bading ang kinakabit. Kapag nahuthutan na, hahanap ng bagong biktima.

Kaya lang pumasok sa showbiz, upang tumaas ang market value! Dati mga babae lang ang guma­gawa nito. Pati mga lalaki na rin pala!

Jodi, Richard at Jolo magsasama sa isang serye?

Say ni Jodi Sta. Maria never nagselos si Jolo Revilla kay Richard Yap. Ayon sa aktres magkakilala naman ang dalawa at nag-uusap.

Nagkasama sa isang teleserye, My Binondo Girl sina Jolo at Richard. Baka pagsasamahin uli silang dalawa, na ka-triangle na si Jodi sa isang TV drama. Mag-rate naman kaya?

Kapalaran ni Laarni sa WCOPA malalaman na

Malalaman na today, July 21, kung isang Pinoy muli ang magiging grand winner sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood. Isa si Laarni Lozada sa pinakamalakas na contestant.

Ang first Pinoy WCOPA champion ay si Jed Madela, na madalas nang maging isa sa mga judges ng international talent contest. Lumahok ang 50 bansa this year at malaking karangalan para kay Laarni ang maiuwi ang championship trophy.

Pilita ayaw gumastos ng P1 M sa Stem Cell

Si Pilita Corrales mismo ang nagsabing hindi totoo ang balitang siya ay nagpa-stem cell kaya nagmukhang bata.

‘‘One million pesos, I cannot afford that amount to have stem cell therapy,’’ paliwanag ng durable Asia’s Queen of Song. ‘‘Kung meron akong ganoon kalaking sobrang pera, sa ibang bagay ko ilalaan.’’

Pilita just received an award from the National Commission on Arts and Culture. Several groups are now nominating her to be a National Artist for Music.

Singer na nasa royal academy of music sa London, dumaan sa kamay ng pinay international diva

Naging vocal coach pala ng singer na si Anna Dina Migallos sa New York ang bantog na Pinay in­ter­national opera diva na si Evelyn Mandac. Na­alala ko tuloy na matapos ang music course sa UP Conservatory of Music, nag-aral sa iba’t ibang bansa, hanggang naging lead star sa maraming opera company all over the world.

Noong high school, si Evelyn ang naging kampeon sa singing contest sa Arellano High School. Ang kanyang first runner-up that year, si Cora Adajar na naging Lady Elvis Presley of the Philippines at nakapagtanghal din sa buong mundo.

Si Anna Migallos naman, natanggap sa Royal Academy of Music sa London. Ilang buwan siyang nag-training para sumabak sa rigid auditions, bago maging student sa Royal Academy of Music.

Graduate sa UP College of Music si Anna, bago nag-training sa opera star na si Evelyn Mandac.

 

ANNA DINA MIGALLOS

ARELLANO HIGH SCHOOL

ARTS AND CULTURE

COLLEGE OF MUSIC

CONSERVATORY OF MUSIC

CORA ADAJAR

EVELYN MANDAC

ROYAL ACADEMY OF MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with