^

Pang Movies

Carlo J. ayaw nang magprotesta, inaasahan na ang pagbawi sa kanyang National Artist award

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinabi ni Direk Carlo J. Caparas na inaasahan na niya ang desisyon ng Korte Suprema na pawawalang bisa ang deklarasyon sa kanya at sa tatlong iba pang idineklarang mga national artist. Iyon naman ang sinasabi sa simula pa lamang at bilang isang mamamayan na sumusunod sa utos ng batas ay tinatanggap naman niya ang desisyong iyon.

Una, sinabi ni Direk Carlo na hindi naman niya hiningi ang karangalang iyon kung hindi kusang ibinigay sa kanya nang hindi nga niya nalalaman kung bakit. Hindi naman niya alam kung paanong pinipili ang mga national artist. Basta ang sa kanya, alam niyang pinagbubuti niya ang kanyang pagsusulat sa komiks, pagsusulat ng kuwento para sa mga pelikula at telebisyon, at pagdidirek ng mga pelikulang kanyang nagawa na, at para sa kan­ya ang mas maha­laga ay ang ipinakitang pagtangkilik ng mga mamamayang Pilipino sa kanyang mga gawa.

 Sinasabi nga ni Direk Carlo na natutuwa siya na hanggang ngayon ay tinatangkilik ng mga mamamayan ang kanyang obra. Isa sa mga highest rating na drama series ngayon ay ang kanyang kuwentong Du­gong Buhay na inilalabas sa ABS-CBN.

TV5 exec wala nang urungan ang pagbabu

Ngayon unti-unti na ngang nagkakaroon ng liwanag ang matagal nang bulungan na ang napakabait na executive ng TV5, na laging nakangiti kung nakikita mo, si Perci Intalan ay aalis na rin pala sa nasabing network. Ang tsismis na aming nasagap, “He will be replaced by a retired executive from another network.”

Pero matagal na naming narinig ang kuwentong ’yan, noon pa mang nakaraang taon, nang kunin ng TV5 ang sinasabi nilang “retired executive from    another network” bilang consultant.

Hanggang ngayon ay wala naman daw sinasabi si Perci pero may nagsabing sinabi niyang sooner ay magkakaroon naman sila ng pormal na turnover. May mga insider na nagsasabing mananatili si Perci sa TV5 hanggang sa katapusan pa ng taong ito at pagkatapos ay ililipat na siya sa office ng kanilang chairman na si Manny Pangilinan.

Actually, magaganda ang idea ni Perci. Mara­ming mga show ang TV5 na masasabi mong above standards pa nga eh. Ang problema ng TV5 ay hindi ang mga show kung hindi ang kanilang signal. Any­way, palagay namin minus factor pa para sa kanila ang mawalan ng isang executive na kagaya ni Perci.

TV network mas mahihirapang itumba ang kalaban, mga artista naglalayasan o sinusulot

Mukhang nilalayasan na nga ng kanilang mga talent ang isang network. Dahil daw ’yan sa hindi na magandang palakad sa network, pagkakaroon ng mga bata-batang artista at ngayon nga ay sinusulot pa ng isa nilang dating kasama sa network ding iyon.

Hindi naman siguro sila tuluyang mangangamote dahil diyan pero mas mahihirapan silang itumba ang kanilang talagang kalabang network kung sakali.

 

DIREK CARLO

DIREK CARLO J

KORTE SUPREMA

MANNY PANGILINAN

NAMAN

NETWORK

PERCI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with