^

Pang Movies

Dolphy gagawing bida sa computer game sa US

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi halos namin namamalayan at nagulat pa nga kami nang mapanood namin sa TV ang balita tungkol sa kanilang pag-alaala sa isang taon nang kamatayan ni Dolphy. Puwedeng dahil sinasabi nga ng marami na ayaw kasi nilang isipin na wala na si Mang Dolphy. Mas gusto nilang itanim sa kanilang isip na nariyan lamang siya.

Ang totoo kasi, kung iisipin mong wala na si Mang Dolphy, malulungkot ka lang. Wala naman kasi siyang makakapalit eh. Ngayon naman hindi mo mami-miss si Mang Dolphy dahil kung gusto mo siyang mapanood, ang mga dati niyang pelikula ay nasa DVD copies na. Maski na nga ang luma niyang show na Buhay Artista ay may nakikita kami sa DVD format.

Mayroon pa raw ngayong isang US company na nagbabalak na gumawa ng isang computer game na ang bida ay character ni Mang Dolphy. Ibig sabihin, ang character ay kamukha niya, at ang mga kilos ay ibabase sa mga kilos niya.

Hanggang ngayon marami pa ring fans si Mang Dolphy. Isipin ninyo, doon sa pinagli­bingan sa kanya sa Heritage Memorial Park, hindi nakakapasok doon ang kahit na sino. Pero nakagawa pa rin ng paraan ang kanyang fans na magtirik ng kandila sa kanyang puntod noong kanyang death anniversary. Hindi pa rin nila nakakalimutan ang nag-iisang Comedy King.

Vina matagal nabakasyon sa akting

Enjoy naman si Vina Morales sa kanyang trabaho sa Maria Mercedes, ang bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, kahit na ang role niya ay nanay na ng bidang si Jessy Mendiola. Nasabi ni Vina na maganda naman kasi ang kanyang role at sa kanya nagsimula ang kuwento.

Isa pa, bata pa naman si Jessy talaga at sigu­ro nga kung maaga ring nag-asawa si Vina ay baka may anak na rin siyang kasing edad ni Jessy.

Isa pa makakatulong nang malaki kay Vina ang magkaroon siya ng teleserye sa primetime. Matagal na rin naman kasi ang kanyang bakasyon sa acting at maganda iyon dahil maaalala ng mga producer na magaling din naman siyang aktres at hindi lamang singer.

Rain nakalabas na sa military service

Natapos na rin ang compulsory military service ng South Korean superstar na si Rain. Aba, hindi lang sa Korea sikat ang young actor-singer. Noong magkaroon siya ng concert sa US ay napuno niya ang Madison Square Garden sa New York City. Dito sa Maynila, napuno niya ang concert grounds ng Mall of Asia. Kung natatandaan ninyo, noong 2011 ay napili pa ng Time Magazine si Rain bilang isa sa isandaang pinaka-influential na tao sa buong mundo. Walang ibang Asian star na natawag na ganyan.

Hindi pa raw alam ni Rain kung ano ang kanyang uunahin sa pagbabalik niya sa showbusiness. May naghihintay sa kanyang film project. May dalawang serye sa telebisyon. Naghihintay na rin ang kanyang recording at may gusto nang mag-produce ng isang Asian concert.

Ngayon magkakasubukan kung sino talaga ang mas malaking Korean superstar. Labanan ’yan sa popularidad nina Rain at Lee Min Ho. Pero kung titingnan mo ang mga accomplishment sa nakaraang panahon, mukhang lamang si Rain kaysa kay Lee Min Ho. Ewan lang ngayon dahil matagal ngang nawala si Rain.

 

 

BUHAY ARTISTA

COMEDY KING

HERITAGE MEMORIAL PARK

ISA

JESSY

JESSY MENDIOLA

KANYANG

LEE MIN HO

MANG DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with