^

Pang Movies

Claudine nagpapakondisyon lang, pinaghahandaan na ang dalawang pelikula!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Balik-showbiz at balik-Kapamilya ang aktres na si Claudine Barretto matapos itong mag-lay low sa kanyang career.

“Nagpe-prepare na ako. Puspusan na ang pagpe-prepare. Actually, mga one week pa lang ako nakakapag-prepare. I’m very excited. I’m very, very excited,” kuwento ni Claudine nang makausap sa selebrasyon ng ninth birthday ng anak na si Sabina na ginanap sa Blue Water Day Spa sa Quezon City.

Nakatakdang gumawa ng dalawang pelikula si Claudine, isa under sa Viva Films at isa sa Star Cinema. Matatandaang exclusive talent ng Star Cinema ang aktres sa loob ng 17 years matapos itong lumipat sa GMA 7 noong 2009.

“Hindi ko alam kung ano ang mauuna (sa dalawang pelikula), magmi-meeting pa lang kami. Magmi-meet pa lang kami, hopefully this week, and doon ko malalaman,” saad pa ni Claudine.

Huling napanood sa telebisyon si Claudine sa TV series na Iglot noong 2011. Ang huling pelikula niya ay sa Viva Films and GMA Films, In Your Eyes, noong 2010.

“So now, finally, sa lahat ng mga Claudinian, malapit na malapit na po. Magpapakondisyon lang, dahil medyo maraming pinagdaanan, pero eto na. Eto na rin. Malapit na malapit na,” sambit pa nito.

Bagama’t madalang gumawa ng proyekto si Claudine ay naging mainit ang pangalan ng aktres at laman ng mga headline dahil sa mga intriga at eskandalong kinasasangkutan nito lalo na ngayon dahil sa paghihiwalay nila ng asawang si Raymart Santiago.

 

vuukle comment

BAGAMA

BLUE WATER DAY SPA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

IN YOUR EYES

QUEZON CITY

RAYMART SANTIAGO

STAR CINEMA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with