Paulo Avelino na-challenge sa pagiging pipi
MANILA, Philippines - Pipi ang role ng award-winning actor na si Paulo Avelino sa Maalaala Mo Kaya episode na mapapanood ngayong Sabado (Hulyo 6). Ayon kay Paulo, espesyal para sa kanya ang panibagong MMK niya dahil first time niyang gaganap bilang isang pipi.
“Sobrang challenging po ng role ko bilang si Apaw. Born mute po kasi siya na pinagmamalupitan ng mga sarili niyang kamag-anak,†pahayag ni Paulo kaugnay ng episode kung saan kasama niya ang Walang Hanggan co-actor na si Joem Bascon na gumaganap naman bilang best friend ni Apaw na si Dante.
“Ibang-iba ang kuwento ni Apaw kumpara sa una kong MMK na love story kung saan nakasama ko si KC Concepcion. Ito naman ay istorya ng may kakaibang tapang at malalim na pagkakaibigan,†dagdag ni Paulo. “Hindi lang po siya simpleng kuwento ng may kapansanan. Sa pamamagitan po nina Apaw at Dante, mare-realize natin ang halaga ng pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan na sa kabila ng maraming pagsubok ay hindi ka iiwan.â€
Kasama nina Paulo at Joem sa upcoming MMK episode sina Jewel Mische, Alma Concepcion, Ismael Clavero, John Vincent Servilla, Glenda Garcia, Tom Olivar, Jamila Obispo, Jerome Ventinilla, at Brace Henry Aquiza. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Raz De La Torre.
Drew inikot ang isla ng HK
Ngayong Biyernes, sama na sa part 2 ng Biyahe ni Drew sa Asia’s World City, Hong Kong!
Ang Hong Kong ay salitang Tsino na ang ibig sabihin ay “fragrant harbourâ€. Kasi noon pa man, kilala na ito bilang daungan ng mga bumibiyaheng sasakyang-pandagat. Sa biyaheng ito, ipapakita ni ultimate biyahero Drew Arellano ang kakaibang mukha ng Hong Kong na hindi palaging nakikita ng mga turista.
Bago lumarga, pipili muna si Drew ng hotel na pasok sa budget trip. At dahil off-peak season mula June hanggang August, malaki ang discount sa mga hotel! Ang single bed ay pumapatak lang na 400 Hong Kong dollars o 2,400 pesos. Not bad for a bustling metropolis. Para sa malaking grupo, puwede namang mag-room sharing para mapaghati-hatian din ang bayad.
Matapos maibaba ang mga gamit, hindi na magpapatumpik-tumpik si Drew. Bibisitahin niya ang Cheng Chau Island, ang sinasabing pinakamalapit na escape ng Hong Kong locals mula sa kanilang mabilis at modernong buhay sa siyudad. Maliit ang isla kaya kayang-kayang ikutin sa loob lang ng halos dalawang oras. Puwede ring mag-arkila ng bisikleta kung medyo tinatamad na maglakad.
Pero ang highlight ng pasyal ni Drew ay ang Bun Festival na ipinagdiriwang ng mga taga-isla taun-taon! Mahigit isandaang libong buns o siopao ang ginagawa rito kaya naman dinarayo ng maraming turista. At dahil nasa tabing-dagat lang, matitikman din ni Drew ang fresh bounties from the sea, turo-turo style!
Para sa kanyang Biyahero Run, tatakbuhin ni Drew ang tuktok ng Kowloon Peak ! At matapos ang kanyang nakakahingal na ehersisyo, lilibutin niya ang Peak para mag-fuel up. From traditional Chinese noodles and dimsum to fusion dishes, meron dito!
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 10:00 PM sa GMA News TV.
- Latest