TV host mas gustong magwaldas ng pera sa lalaki kesa tumulong sa mga pakialamera
Iritang-irita ang beking TV host na pati ang kanyang panglalalaki ay kinakalkal at pinakikialaman. Depensa niya, pinaghirapan niya ang kanyang pera kaya karapatan niya kung saan niya gustong gastahin.
Narinig pang ipinagmamalaki niya na kapag maÂyaman o maraming pera ang isang tao, puwedeng bumili ng pag-ibig o ng lalaki. Ayaw na niyang sayaÂngin ang kanyang salapi sa mga taong natulungan na niya siya pa ang masama.
“Pati tuloy mga tinatago kong lihim, binubulgar nila. Mga inggitera!â€
Heart gumagana na ang utak
Sa tuwing nakikita ang nakakaakit na well-trimmed boy at kakisigan ni Daniel Matsunaga, nag-iisip na naman ang mga bading kung bakit ipinagpalit ni Heart Evangelista ang kanyang banyagang aktor kay Sen. Chiz Escudero.
Ito namang ibang mga kafatid, may utak biya. Hayaan naman ninyong gamitin ni Heart ang kanyang utak, sabay nang pagtibok ng kanyang puso. Siyempre naman higit na powerful ang talino at husay sa paggawa ng batas ng mabunying senador.
Aba, kapag naging Mrs. Chiz Escudero siya, may posibilidad pang maging First Lady ang aktres balang araw. Alam naman natin na si Sen. Chiz ay isang potential na Philippine president. Sino na bang aktres ang naging manager ng Malacañang Palace?
Tribute show kay Michael Jackson hindi napanood ng anak na si Paris
Ang pangalawang tribute show ng Cirque du Soleil para sa yumaong King of Pop, na Michael Jackson ONE, ay isang higit na intimate pero ubod ng laki, “which is a multimedia extravaganza that flies high but never loses sight of its inspirations.â€
Maraming celebrities ang nanood ng premiere staging ng Michael Jackson ONE sa Las Vegas, Nevada, pati na ang mga kapatid ni Michael Jackson. Hindi nakadalo ang daughter ng fallen King of Pop na si Paris dahil biglang sinugod sa ospital several days before the initial show.
Mabuti na ang kondisyon ni Paris at umaasa siyang makakapanood sa regular rin nito sa Vegas. Baka makasabay na namin siya roon!
Pamangkin ni Nora limitado rin ang vocal range
Isa sa mga featured artist sa fund-raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Marion Aunor, anak ni Maribel “Lala “Aunor at pamangkin ng Superstar na si Nora Aunor.
Unang nakilala nang magwagi ng third prize si Marion sa ABS-CBN’s Himig Handog. Tulad ni Ate Guy at ng kanyang ina, hindi isang belter si Marion. Alam niyang limitado ang kanyang vocal range kaya dapat pumili siya ng mga tamang awitin na babagay sa kanyang tinig.
Ang kanyang mother na si Lala Aunor made fortune as a talent promoter in Japan and other Asian countries. Noon ay nakabilang si Lala sa apat na young talents na tinatawag na Apat na Sikat, mga individual artist sila at hindi isang singing group.
Mapapanood si Marion sa PMPC show on July 13, Saturday, sa Zirkoh Morato, Quezon City with headliner Richard Yap. Inquire from PMPC office sa Roces Ave. for tickets.
KZ pumasok na sa Top 10, album ni Julie Anne wala pa rin
Hanggang ngayon wala pa kaming nakikitang press release na nagsasabing quadruple platinum na ang DJP (2nd album) ni Daniel Padilla. Pero nasa No. 1 pa rin ito ng overall hit charts. Patuloy na tinatalo ang mga released album ng mga foreign and Pinoy artist.
Pumasok na sa OPM Top 10 ang KZ TanÂdingan debut CD at No. 6. Ewan kung bakit hindi namin makita ang album ni Julie Anne San Jose sa “best sellers’ list.†Saan kayang hit charts siya naka-puwesto?
Solenn certified composer na
Katatapos lang ng recording ng second album ni Solenn Heussaff, ang SOS, slated for release later this July. Ipinagmamalaki ng model/TV host/actress na marami siyang isinulat na kanta na kasali sa CD.
Sigurado si Solenn na higit siyang makikilala ng kanyang audience through her own compositions in the SOS album.
Solenn still co-hosts Taste Buddies for GMA News TV.
- Latest