^

Pang Movies

Kaligayahan ni Sarah laging nauudlot

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nasambit ng isang tagahanga na tila walang karapatang lumigaya ang kanyang idolong si Sarah Ge­ro­nimo!

Bago pa lang kasing nagkakapalagayang loob si Sarah G. at Matteo Guidicelli ay napanood bigla ang  aktor na hayagang sinabi: “Jessy Mendiola is someone very special to me.’’

Ipinakita pa ang mga litratong maligayang-maligaya ang dalawa sa piling ng isa’t isa. Very radiant si Jessy at mukhang umiibig muli.

Nakapanghihinayang kung mauudlot na naman ang isang romansa para kay Sarah. Approved pa naman si Matteo kay Mommy Divine. Walang na-feel na resistance ang mga nakapaligid sa kanila mula sa strict mader sa mga moment together nina Sarah at Matteo.

Well, super suwerte siya sa career. Pero ayaw ngumiti si Lady Luck kay Sarah kung pag-ibig na ang usapan.

Jessy nagtatampo sa paninisi ni JM

Nagpreno naman sa mga pahayag si Jessy Mendiola tungkol kay JM de Guzman.

Basta’t ikinuwento ng aktres na very happy siya noong sila pang dalawa ang magkapiling at binigay niyang lahat kay JM. Nagdaramdam lang siya sa pagbunton ng sisi ni JM kung bakit medyo napabayaan ang trabaho.

Dalawang ulit nang naging heartbroken si Jessy at marahil liligaya siyang muli kay Matteo Guidicelli. Paano naman si Sarah G.?

Chanda hindi dati naniniwala sa kasal

Chanda Romero is the most beautiful bride we have ever seen for many reasons.

First, she is so in love with her partner of seven years, now her husband Jose Mari ‘‘Mayi’’ Alejandrino. We once heard the multi-awarded actress saying, ‘‘Marriage is just a piece of paper.’’ But there she was, radiantly walking down the aisle in a traditional wedding gown.

Unang pagpapakasal ni Chanda sa kanyang buong buhay kaya masasabing the formal ceremony, officiated by Fr. Larry Faraon, is the most important.

Sa loob ng pitong taong pagsasama, siyempre sigurado na sina Chanda at Mayi that the union will be forever.

Lahat naman kasi nang ginawa sa buhay ni Chanda she has given her high standard of quality. Kaya naman nang umibig siya, pangmatagalan talaga.

Budget sa bagong show ng hunk actor napunta sa gastos ng production kaya walang malaking promo

Dapat hindi na magtaka ang showbiz press kung bakit walang formal launch ang isang bagong show na bida ang hunk actor. Karapatan nila na ilihim ito.

Umiwas lang sila sa dagdag pang gastos. Kahit kasi isang bonggang launching ang ibigay sa show, sigurado silang hindi naman tataas ang rating nito. Naging prak­tikal lang sila upang mailagay ang pera para madagdagan ang kalidad ng palabas.

Sana nga ay may quality ang kanilang show para hindi naman tayo makatulog habang nanonood nito!

Mader pinalilipat ang channel kapag ang bf ng anak na aktres ang pinapanood

Sa tuwing nadadatnan ng mader ng isang aktres na bukas ang kanilang TV sa show ng TV host boyfriend ng kanyang daughter, agad pinapalipat ng ina sa kalabang palabas ng kanyang would-be-son-in-law.

Tunay na naiinis makita ng mader ang popular personality kahit sa TV lang. Hindi lang niya matutulan na tumibok ang puso ng aktres sa tila hindi gusto ng ina.

Libro ni Mona Lisa pitong taong sinulat ng apo

Nagdiwang ng kanyang 91st birthday ang batikang aktres na si Mona Lisa noong June 22 sa launching ng librong A Portrait (From the Memories of a Grandmother), ang biography sa sinulat ng kanyang apong si Celine Beatriz Fabie.

Nagsimulang lumabas sa pelikula si Gloria Yatco (real name ng aktres) noong 1939. Matagal na siyang nag-retire sa pag-arte nang makumbinsi siyang bumalik sa La Paloma ni Joey Gosiengfiao.

When she shared stellar roles with Hilda Koronel in Insiang, higit siyang hinangaan at nagtuluy-tuloy muli ang acting career ni Mona Lisa.

Hanggang ngayon active pa ang aktres sa mga top rated teledrama.

Pitong taong sinulat ng apo ni Mona Lisa na si Celine ang aklat. Sinigurado niya na lahat ng pinakamalalaking event sa buhay ng kanyang lola ay kasali sa libro.

Si Celine Fabie ay isang stage actress at singer.

 

vuukle comment

CHANDA

JESSY

JESSY MENDIOLA

MATTEO GUIDICELLI

MONA LISA

NAMAN

SARAH G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with