^

Pang Movies

Hindi pala babae ang pinag-iinteresan: Sikat na young actor lalaki ang kalandian!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lalaki (o bading?) pala ang kalandian ng isang biglang sikat na young actor at hindi babae, huh! Bago pa man siya nadiskubre sa showbiz, kalat na ang mga karelasyon niya sa kapwa lalaki.

Eh grabe nga kung makasunod ang aktor sa tipelya niyang lalaki. Dumarating siya sa puntong napababayaan ang trabaho dahil sa dyowa. No wonder jobless muna siya ngayon pero in love naman ang drama niya, huh!

Ang latest apple of the eye ng aktor ay isang TV commercial model na napapanood ngayon sa TV. Mukhang may foreign blood ang aktor base sa tsismis sa amin ng ilang friends.                                                                

Pagli-live-in nina Luis at Jennylyn ayaw paniwalaan ni Gov. Vi

Hindi naniniwala si Governor Vilma Santos-Recto sa tsismis na may live-in arrangement na ang anak niyang si Luis Manzano at girlfriend na si Jennlyn Mercado.

“I don’t think so. Hindi mangyayari ’yon,” depensa ni Gov. Vi sa anak nung matanong ng press na hinarap nila ni Sen. Ralph Recto na siyang nag-administer ng oath-taking ceremonies niya last Thursday sa ikatlong termino ng misis bilang Ina ng Batangas.

Wala man sa oath-taking ang dalawang anak dahil may prior commitment si Luis at yaw niyang mag-absent sa school ang anak na si Ryan Christian, hindi na nagbigay ng advice si Sen. Ralph sa last term ang asawa dahil alam na niya ang plano ng asawa.

“Aanyayahan ko na lang silang manood ng Ekstra! Hahaha! Let me just promote her movie, Ekstra. Alam kong lahat ay matutuwa at magugustuhan ang pelikula niya. Ito ang kauna-unahang pelikula na extra ang bida! I look forward to seeing you,” say ng senador.

Matigas ba ang ulo ni Gov. Vi?

“Paminsan-minsan matigas ang ulo niya! Politically, wala naman. Matigas lang ang ulo ’pag masyadong nali-late umuwi! Dahil pinapauwi ko ng mas maaga,” katuwiran ng asawa ng actress-politician.

Wala mang sinabi ang senador tungkol sa plano ng asawa sa 2016, nagawa niyang biruin si Gov. Vilma na magiging presidente siya sa 2016 pero hindi president ng bansa kundi president ng Senior Citizens dahil sa Nov. 3 ay 60 years old na ang Star for All Seasons!

Kagagaling nilang mag-asawa sa Amerika at nang biruin namin sa naganap sa bakasyon, sambit ni Sen. Ralph, “Can’t you see that she’s glowing? Hahaha!”

Saad naman ni Gov. Vilma, “’Yun lang ang time na nagkakaroon kami ng time sa sarili namin. That’s why kami ni Ralph ’pag nagta-travel, hindi kami ’yung kumukonsulta sa mga consul. Sasalubungin ka, VIP. Hindi.

“Ordinaryo rin. Para magkaroon kami ng time sa aming mga sarili,”

Nag-oath-taking din siya roon?

“Obvious ba? Biglang gano’n! Hahaha!” birong tugon ni Gov. Vilma.

vuukle comment

ALL SEASONS

EKSTRA

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

HAHAHA

JENNLYN MERCADO

LUIS

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with