^

Pang Movies

Marian waging Sexiest Woman!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations kay Marian Rivera, this year’s Sexiest Woman ng FHM. Congratulations din sa fans ni Marian, sa DongYans, na bumoto para ma­nalo ang kanilang idolo. Ayon kay Allan Ma­dri­lenos, editor ng FHM, seven times silang naglabas ng mga unofficial result ng votes, six times na nag-top si Marian. 

Nang personal na puntahan si Marian ng mga taga-FHM para ibigay ang good news, nagpasalamat si Marian sa fans and friends na sumuporta sa kanya. 

Nalaman nga pala namin sa mga DongYan na may dalawa silang special screening ng My Lady Boss sa opening ng movie nina Ma­rian at Richard Gutierrez sa July 3.

Ritz na-conscious sa halikan kay Boyet, naka-31 na ulit!

 Hiyang-hiya si Ritz Azul, ang bagong sexy princess ng TV5 sa sexy drama nilang Misibis Bay, sa katambal na drama king na si Christopher de Leon. Masyado siyang na-conscious sa ginawa nilang kissing scene na na-take 31 siya. Tatlong anggulo kasi ang kinunan sa kanila. Kaya very thankful si Ritz kay Boyet dahil bukod sa very supportive, marami rin siyang tips na natutunan sa aktor habang nagti-taping sila. Tinanggap lahat ni Ritz ang character na ginampanan niya sa mini-series na part nito ay kinunan sa Misibis Bay in Legaspi, Albay. 

Isang bar dancer si Ritz at hindi rin niya ma­lilimutan ang lap dancing niya kay Boyet na talagang very seductive ang portrayal niya. 

Mai-in love sa kanya ang wealthy real estate tycoon na si Anthony Cadiz (Boyet) at iyon ang magpapabago sa mahirap nilang buhay ng may cancer niyang lola (Boots Anson-Roa). 

Sa Lunes, July 1, magsisimulang mapanood ang Misibis Bay sa TV5 at 8:00 p.m.

Bishop Cruz galit sa kasalan ng mga beki

Kahapon ay kausap ni Kara David sa GMA News TV si Archbishop Emeritus Oscar Cruz at hiningi niya ang opinion nito tungkol sa same sex wedding sa ilang parts ng California at paano kung gawin din ito sa Pilipinas? Sagot nito, siya raw ang unang-unang haharang na ma-approve ito. Hiningan na rin ni Kara ng opinion niya si Archbishop Cruz tungkol naman sa gusto ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ipatigil ang airing ng My Husband’s Lover na tungkol sa na-in love na dalawang gay pero ang isa ay may asawa.

Pinanood niya ang tinaguriang pink serye ng GMA 7 nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez with Carla Abellana at wala naman siyang nakitang masama sa story. At sinusubaybayan naman ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at late evening na rin ipinalalabas.

vuukle comment

ALLAN MA

ANTHONY CADIZ

ARCHBISHOP CRUZ

ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

BISHOP CRUZ

BOOTS ANSON-ROA

BOYET

MISIBIS BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with