^

Pang Movies

Hindi na takot Janelle Manahan may bagong karelasyon na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ready na raw si Janelle Manahan na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career pagkatapos nang mga naganap na trahedya sa kanyang buhay.

Ito ang paraan ni Janelle to move forward dahil hindi raw habang buhay ay mananatili siyang takot.

“I want to build a new life for myself. For the past two years, I was living this life na nagtatago sa mga tao. Ayoko na ng ganun.

“I want to move on with my life. Kahit na alam kong mahirap at medyo nandoon pa ang takot, I need to be brave in order to have the life that I deserve,” sey pa ni Janelle nang maging guest nga siya sa The Jon Santos Show ng Viva Channel.

Nagtatrabaho ngayon sa isang real estate company si Janelle at maganda naman daw ang katayuan niya roon.

Naging priority nga rin niya ang kanyang trabaho dahil iyon ang simula ng kanyang pagiging independent ulit.

 â€œI need to be with other people. Gusto ko ‘yung nakikipag-interact ako with different people. ‘Yun ang nature ng work ko ngayon.

“Of course may mga nakakilala sa akin. Nakakatulong iyon sa work ko.

 â€œI don’t mind kung makilala man nila ako because of what happened. ‘Yun naman ang nangyari, eh. That is what I have to face every day,” sey niya.

Noong mangyari ang malagim na trahedya noong October 2011 sa buhay ni Janelle na siyang kinasawi ng kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla, matagal ding hindi siya pinayagan na lumabas at makipagsalamuha sa ibang tao.

 â€œSiguro eight months din ‘yun na hindi ako puwedeng makipag-communicate with other people. Not unless it’s my family or the lawyers.

“It took me almost a year to adjust to that kasi hindi ako sanay na walang kausap, eh. Masayahin akong tao and I love going out.

 â€œBut because of what happened, kailangan maprotektahan ako. Naintindihan ko naman iyon.

 â€œBuhay ko na ang importante. I was just lucky to have survived kaya kailangan pahalagahan ko ang panibagong buhay na binigay ni Lord sa atin.

 â€œNow, that two years had passed, gusto ko naman na maiba na lahat.

“I want to show them na kaya ko na—hindi na ako natatakot.

 â€œKung meron mang mga nagsasabi sa akin ng hindi maganda, okey lang. Pinagdarasal ko na lang sila,” diin pa niya.

Nabanggit din ni Janelle na may inspirasyon daw siya ngayon. Pero hindi na niya binanggit ang pangalan nito dahil pribadong tao raw ito.

 â€œI can say that he helped me heal the wounds that affected me physically, emotionally and mentally.”

Nagtatagong showbiz couple nabuking sa Man of Steel

Kahit na marami na ang nakakaalam ng tunay na relasyon ng male and female celebrity na ito, tuloy pa rin ang pag-deny nila.

Ang problema lang sa dalawang ito ay hindi nila maiwasan na makita silang magkasama sa iisang lugar. Kamakailan ay marami ang nakakita sa kanila na nanood ng pelikulang Man of Steel sa isang high-end mall.

Panay ang paliwanag nila tuwing uusisain sila na kasama raw nila ang mga non-showbiz friends kaya hindi raw date iyon. Pero kitang-kita naman na silang dalawa lang naman ang magkasama.

Wala na nga raw pakialam ang manager ng male celebrity kung mabuking man ang tunay na relasyon nito sa female celebrity.

Matagal na raw niyang pinagtakpan ang ginagawa nito at ayaw na raw niyang ma-stress dito. Kaya hands-off na siya rito.

Tsaka purely business na lang daw ang meron siya with the male celebrity at wala na siyang pakialam sa personal nitong buhay.

Kung gusto raw nitong pasinungalingan ang relasyon nila ng girlfriend niya, siya na ang bahala dahil hindi na raw ito gagawin ng ibang tao para sa kanya.

Sa part naman ng female celebrity, pinagsabihan na rin siya ng mga taong concern sa kanyang career na huwag makitang kasama ang male celebrity.

Pero hindi rin mapigilan ito kaya isa pa siya na super explain na there is nothing going on sa kanila ng male celebrity kahit na ilang beses na silang nahuling nagde-date sa kung saan-saang lugar.

 

 

vuukle comment

CELEBRITY

JANELLE

JANELLE MANAHAN

MAN OF STEEL

PERO

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with