^

Pang Movies

Pinagtatakhan ang naging basihan sa ibinigay na award album ni Julie Ann San Jose na nag-quadruple platinum hindi nag-no. 1, nakasama man lang sa top 5

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang sabi ng isang pralala, quadruple platinum na raw ang debut album ni Julie Ann San Jose. Hindi lang sinabi kung ilang piraso ang nabenta sa claim nilang four-times platinum na ang benta nito. Hindi tayo sigurado kung meron na o meron na silang bagong standard para sa isang platinum-certification.

Nagtataka lang ang marami dahil hindi man lang nalagay sa No. 1 kahit sa Top 3 or Top 5 ang nasabing produkto pero nakaabot sa quadruple platinum. Malay naman natin sa ibang music charts ito naging chart-topper.

Itong si Julie Ann San Jose, never daw magpapa-sexy kahit bayaran ng isang bilyong piso! Ineng, kahit hindi ka magpa-sexy kung talagang natural na sexy ka, puwedeng maakit ang kalalakihan kahit balot na balot ang buo mong katawan. Hindi naman ibig sabihin ng maging sexy ay paghuhubad lang.

Nasa appeal ito. Meron nga diyan naipakita na ang lahat, wala pa ring epek, dahil walang sex appeal. Ito ‘yung mga KSP (kulang sa pansin) baga.

Surely, never naman naging KSP si Julie Ann San Jose!

James Yap panay ang pasarap sa Paris kasama ang dyowa

Mabilis kumalat sa media ang litrato ni James Yap with his new Italian girlfriend kahit naglalakad sa Paris, malapit sa Notre Dame cathedral, mukhang magkadikit palagi ang pareha.

Nakita na kaya ni Baby James o Bimby ang picture? Pagbalik kaya sa ’Pinas ni James, Sr. ka-join pa rin ang sexy blonde?

TH na talagang magpa-sexy Macho actor ibinibilad ang katawan sa Internet

Isang macho actor ang trying hard sa pagpapa-sexy. Nagkalat ang kanyang photos sa social media na nagbibilad ng katawan. Say nila, hindi naman siya nang-aakit o binibenta ang sarili sa cyber-sex market.

Lab na lab niya ang kanyang sariling body, kaya gustung-gusto niyang tingnan ang sarili sa Internet, kahit sabihin pang kalaban na rin niya ang gravity.

Isang rich gay ang naka-sight ng kanyang picture ang nagpipilit makuha ang phone number ni pogi. Sorry madam, hindi po for sale si Sir!

AiAi walang paki sa sex video nila ni Jed Salang

Kahit pilitin, ayaw pang mag-react ni AiAi delas Alas sa tsismis na may intimate video niya with Jed Salang, simply because wala pa naman siyang nakikita. Kapag na-sight niya mismo, saka pa lang makikita ang kanyang reaction.

Sana hindi malaswa ang video kung meron man. ’Yun bang casual-casual lang.

Dennis naging lapitin ng babae nang maging ‘bading’

Nagtataka si Dennis Trillo kung bakit higit na maraming chicks ang naging attracted to him nang maka-partner niya ang kapwa lalaki (si Tom Rodriguez) sa My Husband’s Lover.

Magtataka pa ba kayo? Ang mga hunk actor na nali-link sa mga rich gay, higit na pinagnanasaan ng mga mayamang matrona. Marahil higit na malaki ang challenge kapag very rich and powerful bading na ang kakumpitensiya nila.

Isyu kina Marian at Mother Lily, naging paboritong topic

Paboritong paksa of the week ang nabunyag na pagsinungaling ni Marian Rivera kung bakit tinanggihan ang supposed to be MMFF movie offer from Mother Lily Monteverde. The actress insisted she wanted a well-planned project. The lady producer revealed that she just demanded a solo movie!

Napag-usapan tuloy sa grupo ng mga movie scribes kung sumemplang sa takilya ang movie ni Marian, ano na ang mangyayari sa kanyang career? Sagot agad ng isang mataruz (mataray) na reporter, ‘‘siyempre babalik siya sa mga mother roles o tiyahin ng bida sa mga teledrama!’’

Taping ng balikang serye nina Guy at Pip, mukhang walang sabit

Mukhang masayang lahat ang kasali sa first taping day ng reunited hottest tandem noong dekada ’70 na sina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Pati si Direktor Joel Lamangan was in a happy mood sa video pinalabas ng TV5.

Enjoy sina Guy & Pip sa taping nila sa Tagaytay. Laging nakangiti si Nadine Samonte sa mga eksenang ipinakita siya. Mukhang matatapos ng walang aber-ya ang bagong teleseryeng When I Fall In Love.

 

vuukle comment

BABY JAMES

DENNIS TRILLO

JAMES YAP

JED SALANG

JULIE ANN SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with