^

Pang Movies

Mister na ayaw makipagsiping, hinainan ng annulment case ni misis

Pang-masa

CEBU, Philippines - Tatalakayin ni Anthony Taberna ang isang kaso ng annulment na isinampa ng isang misis laban sa kanyang mister dahil sa pag-iwas nitong makipagsiping kahit na sampung buwan na silang kasal, ngayong Huwebes (Hunyo 20) sa Pinoy True Stories: Demandahan.

Sa episode, tunghayan ang kuwento ng bagong kasal na sina Paul at  Pia. Sabik si Pia na makasama ang asawa sa unang gabi ng kanilang honeymoon

Unang beses kasi nilang magsisiping at excited ang misis na magsimula ng pamilya. Ngunit tinulugan lamang siya ni Paul nang gabing iyon kaya’t walang nangyari sa dalawa. Gayunpaman, nagsama sila ng sampung buwan pero hindi man lang sila nakapagniig kahit isang beses sa loob ng panahong iyon. Kahit isang beses din ay wala pang romansang naganap sa dalawa.

Dahil dito naghain ng annulment si Pia; psychological incapacity ng asawa ang katwirang ibinigay ni Pia para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Idiniin din ng misis na impotent umano si Paul at kaduda-duda ang pagkalalaki.

Mapatunayan kaya sa korte ang pagkukulang ni Paul? Masasabi bang psychological incapacity ang hindi pakikipagsiping sa pinakasalan? Napawalang-bisa kaya ang kasal nina Paul at Pia?

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

DAHIL

DEMANDAHAN

GAYUNPAMAN

HUNYO

HUWEBES

IDINIIN

KAHIT

MAPATUNAYAN

PINOY TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with