^

Pang Movies

Daiana umamin sa kanyang kagagahan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Humarap si Daiana Menezes at ang asawa niyang si outgoing Rep. Benjamin Benaldo sa The Buzz para linawin ang isyu tungkol sa kanila na diumano ay battered wife ang Brazilian model. Itinanggi nila ito at kung pagbabasehan ang kanilang mga sinabi, iisipin mong wala lang magawa si Daia­na kaya nag-post ng tungkol sa violence sa kanyang Ins­tagram account.

Last week ay umani ng katakut-takot na reaksi­yon at atensiyon ang mga ipinoste ni Daiana na “No to Rape,” “Real Men Don’t Use Violence,” and “There is No Excuse For Abuse.”

May picture pa siyang ipinakita na may hiwa ang kanyang braso na maliit lang naman. Kahit sino naman ang makabasa nun ay iisiping dumaranas siya ng kalupitan sa asawa.

Kaya naman ang dami talagang nakisimpatya at nagpahayag na kung kailangan ng tulong ni Daiana ay willing sila.

Pero sa panayam nga sa mag-asawa aired last Sunday ay pinabulaanan nila ito at rason ng misis, nagpapapansin lang daw siya sa kanyang mister na masyadong busy sa trabaho sa pulitika.

Inurirat sila ng husto ng host na si Boy Abunda at base sa mga kilos at sagot nila, mukha ngang wala namang violence na nangyayari sa pagitan nila at parang sobra silang nagmamahalan.

Ang the height, maging ang mga pamilya nila ay naalarma sa mga post ni Daiana at nagsisuguran sa Manila.

From Brazil ay lumipad ang nanay ni Daiana para tulungan sila at from Cagayan de Oro ay dumating din ang magulang ni Rep. Benaldo.

Ayon kay Daiana ay normal na couple lang sila at pinagsisisihan niya ang ginawa na naglagay sa hindi magandang sitwasyon sa asawa. Totoo naman na nagkaroon sila ng malaking away kamakailan pero hindi naman umabot sa pisikalan.

“Something happened in the house and I was busy campaigning and I would always tell her that I need sleep. And then she would talk to me about things happening in the house. She thought I wouldn’t believe her so that’s why she put those things,” sabi ng pulitiko.

Dagdag pa niya, hindi naman siya na-bother sa mga panghuhusga ng mga tao sa kanya dahil alam naman nila ang totoo.

Nang tanungin si Daiana kung ano ang natutunan niya sa pangyayaring ito, ito ang sagot niya: “You have to be careful of what you say because it’s up to the interpretation of whoever’s seeing it especially because they don’t know you very well.”

Nakakaloka!

Toni hindi takot sa 7-year itch

Dahil nga papunta na sa seventh year ang relas­yon nina Toni Gonzaga at Paul Soriano ay natanong ang TV host-actress kung hindi ba siya nata­takot sa tinatawag na seven-year itch kahit hindi pa sila mag-asawa? Kasabihan kasi na sa ganitong panahon nangyayari ang mga hiwalayan sa magkarelasyon.

“Oo nga eh lagi nilang sinasabi pero I don’t want to dwell on the negative. I’d rather think of it as we’re going on our seventh wonderful year kasi kapag ini­sip mo, the seven-year itch na negative, baka doon pumunta,” sabi ni Toni.

Napag-usapan nga rin na baka mahirapan na siyang manganak kapag hindi pa sila nagpakasal within the next two to three years at sabi niya ay aware naman siya.

Pero sa ngayon ay ine-enjoy pa niya ang kanyang ka­payatan at siyempre alam niyang darating din naman siya sa point na magbubuntis siya at magkaka-anak.

 

vuukle comment

BENJAMIN BENALDO

BOY ABUNDA

DAIANA

DAIANA MENEZES

FROM BRAZIL

NAMAN

NO EXCUSE FOR ABUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with