Isinusumpa ng mga kasama sa isang indie film: Young actress asal-hayop!
Hindi na mauulit na makatrabaho ng indie film producer ang isang young actress dahil sa malaking problema na dinala nito sa kanilang shooting. Inakala pa naman nila na mabait ito pero noong magsimula na silang mag-shooting ay lumabas ang tunay na ugali.
Ang dami raw reklamo ni young actress sa shooÂting at biglang nagkaroon siya ng cut-off time. Hindi na ito nahiya sa mga kasamahan niya sa pelikula na mga veteran actor pa naman.
“Hindi na nahiya ang babaeng ’yan. Siya pa ang may mga demand, samantalang ang mga kasama niya na mga matagal na sa industriya, never nagreklamo. At biglang may cut-off time siya. ’Yung mga kasama nga niya wala at gusto na nilang tapusin ang mga eksena nila. Pero dahil sa kaartehan ng babaeng ’yan, magdadagdag pa kami ngayon ng shooting day.
“Hindi pa niya naintindihan na indie film set ito? Kung kailangang tapusin in three days ang movie, gagawin namin. Eh sa pag-astang star niya, nag-over budget na ang producer namin,†talak ng source namin.
Ang hindi pa nila nagustuhan sa young actress ay ang biglang pag-alis nito sa set nang hindi man lang nagpaalam. Dala-dala pa naman ang mga damit na kailangan sa mga eksena.
“Gusto na nga lang naming kumuha ng dobol para matapos na ang problema sa babaeng ’yan. Kaso nadala niya lahat ng mga costume. Wala na kaming mai-provide sa kukunin naming dobol niya. Kaya wala kaming choice kundi mag-set na ulit ng bagong shooting day.
“Pero itaga niya sa bato na hindi na namin siya kukunin at wala siyang makukuhang magandang reÂcommendation mula sa producer namin. Ang sama ng ugali, eh ang ganda pa naman niya. Wala talaga sa panlabas ang ganda. Maganda ka nga pero kung asal hayop ka, balewala ang ganda mo!†imbiyernang talak pa ng source.
Rachelle Ann kinabahan nang makilala si Tarzan
Nagsimula na nga noong June 14 ang paglabas muli ni Rachelle Ann Go sa musicale play na Tarzan. Bilang si Jane si Rachelle at si Tarzan ay ginagampanan ng stage actor na si Dan Domenech.
Ito ang second time na susubok si Rachelle sa musical theatre. Nauna nga siyang lumabas sa The Little Mermaid.
Sa Tarzan ay pinag-aralan pa ni Rachelle ang magsalita na may British accent.
“Nanonood lang ako ng British films. ’Tapos si Direk Chari Arespacochaga once in a while nagmi-meet kami, pinapakinggan niya ’ko, ine-explain niya ’yung story para pagdating rehearsal okay na,†sabi ng singer-actress.
Mismong si Direk Chari ang pumili kay Rachelle para gumanap na Jane sa Tarzan.
Inamin ni Rachelle na matagal din niyang pinag-isipan ang paglabas ulit sa isang musical theatre.
Isa pang pinag-aaralan ni Rachelle ay kung paano niya magagampanan nang maayos ang karakter ni Jane.
“Mahilig siyang mag-explore. Gano’n kasi si Jane, hindi siya natatakot mag-explore. May isang part nga doon sa scene na may nakasalubong na siyang giant pero alam mo ’yon, hinayaan niya lang? May naked man, si Tarzan… kumbaga ano siya, fearless. Saka ’yung sobrang masunurin siya sa dad niya. Gano’n din ako,†kuwento ni Rachelle Ann.
Kinabahan din nga si Rachelle sa pag-meet niya sa gaganap na si Tarzan, ang Puerto Rican stage actor na si Dan Domenech.
“Broadway actor siya ’tapos nag-Glee rin, so parang, ‘Direk, kaya ko ba ’to?’
“Siyempre baka mag-expect ’yung ka-partner ko o ’yung mga tao na kailangan ’yung galing, ’yung leveÂling katulad sa kanya. So think positive na lang,†sabi niya.
Ang ilan sa mga pinagbidahang Broadway perforÂ-mances ni Dan ay ang Rock of Ages at Aladdin.
Hanggang July 7 ang takbo ng Tarzan sa Meralco Theatre sa Ortigas, Pasig City.
- Latest