^

Pang Movies

Sakit ng ulo sa serye actress biglang lumalayas sa taping kahit hindi pinapayagan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sakit ng ulo ang aktres sa ginagawa niyang series ngayon. Feeling niya kasi malaki na siyang artista kaya without lifting a finger ay nagagawa niyang lumayas sa taping nang kara-karaka.

Sa isang taping niya, nagpaalam siya na uuwi muna sa bahay for personal reasons. Pinagbigyan naman siya ng staff dahil hindi pa naman kukunan ang mga eksena niya. In fairness sa aktres, bumalik naman siya sa taping.

Matapos kunan ang ilan niyang eksena, muli na naman siya nagpaalam para umuwi. Personal reasons uli ang dahilan niya. But this time, hindi na siya pinayagan dahil sunud-sunod na ang eksenang kukunan sa kanya.

Pero dedma ang aktres. Dumiretso siya sa sasakyan at paharurot niyang pinaandar ang kanyang sasakyan palayo sa location!

Dahil dun, tingin ng staff sa ginawa ng aktres ay wala siyang puso pagdating sa pakikisama sa mga kapwa artista at maliliit na tao sa produksiyon!

Direk Joey nalulumaan sa atake ng mga beki ng My HUsband’s...

Bumilib si Direk Joey Reyes sa tapang ng GMA na gumawa ng teleserye gaya ng My Husband’s Lover. Wala man siyang involvement nga­yon sa either sa Kapuso o Kapamilya Network, still, hinangaan niya ang mga tao sa likod ng nasa­bing series na tumatalakay sa relasyon ng mga ba­ding.

“I would like to congratulate them. Tinatanong din nga ako ni Direk Dominic (Zapata) kung napanood ko ’yung unang episodes. Yeah I’ve watched it. Ako naman, ’pag tinatanong, nagsasabi naman ako ng totoo.

“Medyo luma lang ang approach. Siyempre buhay natin ‘yon kaya alam natin kung ano ang bago. Hahaha! Sa next episodes, gawin nilang modern para mas maka-relate pa ’yung mga beki ngayon!” tsika ni Direk Joey.

Ang pagiging line producer at director ng ginagawang movie ni Sen. Jinggoy Estrada ang pinagkakaabalahan ni Direk Joey nga­yon. Naka-concentrate sa kuwento ng ama ang pelikula.

Kasama ni Sen. Jinggoy sa movie sina Maja Salvador, Empress, Dominic Roque, at ang panganay na lalaki na si Jolo Estrada.

Sam hanggang crush lang kay KC, never na in love

Nagitla si Sam Milby nang tanungin namin kung bakit hindi siya na-in love kay KC Concepcion nang makasama niya sa isang pelikula. Magkasama silang muli sa teleserye ng Dos na Huwag Ka Lang Mawawala. Bago sagutin ang tanong, tumingin muna siya kay KC na seksing-seksi nung gabing ’yon sa presscon na ipinatawag ng Dreamscape Entertainment, Inc.

“Two years ago ’yon? At that time (meron siya)… yes!

 â€œAhhh, the first time na nakilala ko siya, sa concert ni Ate Shawie (Cuneta). Naging crush ko siya. Sa Araneta ’yon. Four years ago? Five years ago?

 â€œWala. Group of friends din eh. Speaking friends. Wala,” pautal-utal na sagot ni Sam.

Christian nagsalita sa paglipat ni Erik sa GMA

Magsisilbing isa sa mga leader ng isang group si Christian Bautista sa bagong Sunday show ng GMA na Sunday All Stars na magsisimula bukas. Ang makakasama niya sa grupo ay sina Solenn Heussaff, Glaiza de Castro, Kristoffer Martin, Wynwyn Marquez, Jake Vargas, Bea Binene, Jay-R, Gian Magda­ngal, at Rafael Rosell.

Isa si Rafael sa pinaka-close niya noon sa ABS-CBN.

“Oo. Tinawagan ko siya nung lumipat. ‘O, Rafael, kumusta ka riyan?’ Hahaha! ‘Okay rito, Bro!’

“Sa ASAP kasi isa lang naman ’yung dressing room namin. Kaya kahit paano, nagkakakuwentuhan kami,” sabi ng singer.

Itinanggi naman niyang lilipat din si Erik Santos sa GMA. Although isa siya sa nami-miss niya sa ASAP pati na rin si Sarah Geronimo.

vuukle comment

ATE SHAWIE

BEA BINENE

CHRISTIAN BAUTISTA

DIREK DOMINIC

DIREK JOEY

NAMAN

NIYA

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with