Shaina ayaw pumatol kahit kinawawa sa billing
’Di maiwasang ’di mapansin ng mga mapansining members of the entertainment press, sa presscon ng Four Sisters and a Wedding, the way Shaina Magdayao was billed kumbaga sa poster ng pelikula. ’Di nga lang kasi maliit ng kaunti lang naman ang name niya compared kina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Angel Locsin kundi nasa pangalawang linya pa ito, ka-align ng name ni Enchong Dee.
In the case of Enchong, walang dudang he was properly billed. Compared naman kasi sa mga bidang babae ’di lang may kanya-kanya nang niche ang mga ito sa local showbiz, they have been in the business for much a longer time than him.
But for Shaina, who has been in the business longer than her female co-stars, after all, she started as a child actress, ay parang hindi tama.
Asked about how she feels na ganun nga ang kanyang billing, sagot ni Shaina: “How my name is billed in any of my projects has never been an issue, as far as I’m concerned.
“Sa particular project kong ito, the fact lang na kasama ako sa movie with a good role assigned to me para sa akin is more than enough.
“At saka dream ko na talaga ang maidirek sa pelikula ni Direk Cathy (Garcia-Molina). Doing this movie, too, won me new friends in Angel and Toni, especially.
“In the case of Bea, everyone knows naman that we are best friends.â€
In Four Sisters and a Wedding, Shaina plays the youngest among the sisters. She is a school teacher and the only one na nakatira sa kanilang ina (played by Coney Reyes).
Enchong wala pa ring girlfriend
Star Cinema, producer of the movie as part of its 20th anniversary offering this year, describes the film as an unforgettable light drama about family relationships. Magkakapatid na bagama’t iisa ang ama at ina and have grown togeÂther ay still hindi maiwasang at times ay nagkaÂkaroon sila ng disgustuhan sa isa’t isa. Yet, in the end, nanaig ang unconditional love na patuloy na nararamÂdaman nila sa bawat isa.
At the presscon, Enchong, when asked if he would allow his sisters sa tunay na buhay to influenÂce him sa girl na type niyang pakasalan, ang kanyang maliksing sagot: “Natural, hindi. After all, ako naman ang makikisama at ’di sila sa pakakasalan ko.
“On a second thought, though, I will weigh things. Pero sa tuwina, sa lalaking nagmamahal, ang pag-ibig niya sa babaeng kanyang pakakasalan ang nananaig in the end.â€
In real life, ayon kay Enchong, wala pa siyang napipisil pakasalan. At lalong wala pa rin siyang girlfriend.
- Latest