^

Pang Movies

Hiro pinupulido ang hitsura pati diet

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Masuwerte kay Hiro Peralta ang pagpapalit niya ng apelyido. Mabuti na lang at sinunod niya ang desisyon ng GMA management na baguhin na ang kanyang surname na Magalona. Hindi na lang niya pinansin ang intrigang naki-ride on lang kasi siya sa kasikatan ng pamilya Magalona kaya pinapalitan ito sa kanya.

Paliwanag ni Hiro, ginamit lang naman niya ang maiden name ng mommy niya na pinsan ni Francis Magalona at wala siyang bad intention dahil nagsisikap naman siyang makilala sa sariling niyang effort kaya siguro siya napili na siya finally sa bagong role ngayon.

Blessed ang pakiramdam ng young actor na leading man siya sa Anna KareNina kaya 110% ang ibinibigay niya sa kanyang trabaho. Bago siya dumating sa set ay inaral na niya ng husto ang kanyang mga linya. Kahit mabigat naman ang role na ginagawa niya ay enjoy pa rin siya sa set kahit may pressure sa kanilang work.

Ipinaha-handle muna niya sa kanyang tita ang kanilang business na testing center ng mga kotse at meron silang sampung branches. Bale lima sa Manila at iyong iba naman ay nasa Iloilo, Cebu, Pampanga, Tacloban, at Isabela. Nagmo-monitor lang siya sa pamamagitan nang pagtawag sa kanyang cell phone from time to time para itanong kung ano ang nangyayari sa maghapon sa kanilang negosyo.

Naikuwento rin niya na hanggang ngayon ay diet mode siya at seryosong walang rice dahil madali siyang tumaba. Pag-aaralan pa niyang kumain ng saging at kamote na pamalit sa kanin. Pero every Sunday ang kanyang cheat day dahil nagki-crave siya sa pagkain ng burger, pizza, at milk shake na nami-miss niyang kainin.

Okay lang sa kanya ang pansamantalang diet dahil bukod sa gusto niyang mag-excel sa kanyang trabaho ay pinagta­trabahuhan na rin niya pati ang looks para hindi masayang ang pagbi-build up sa kanya ng GMA.

Charice at Aiza hindi banned sa Pinas FM

Kahit mahigpit ang himpilang Pinas FM 95.5 sa pagpapatugtog ng values-oriented music at consistent ang istasyon sa kanilang pagiging wholesome, sinabi ng radio station na pinatutugtog nila ang mga kanta ni Charice Pempengco kahit umamin pa sa kanyang katomboyan. Kahit ang mga kanta ni Aiza Seguerra ay nasa playlist nila palagi.

Pero ang nilinaw ni Ms. Peachy Dimayuga, station manager, na ang hindi makakalusot sa kanila ay ang mga kantang may double meaning dahil ang mission nga nila ay mai-promote ang good values.

Kaya naman mabilis din ang pickup ng ratings nila sa radio dahil 80% na Pinoy music ang pinatutugtog nila mula 4:00 a.m to 12:00 m.n.

Isa sa ipinagmamalaki nila ngayon ang pagkakaron ng contest na Bagong Himig, Bagong Tinig. Dito nila bibigyan ng airtime ang mga artist na makatugtog o kumanta sa kanilang pagdiriwang ng second anniversary.

Meron din silang concert sa June 12 sa Ynares Sports Arena, Pasig City na Cueshe, Itchyworms, Gracenote, Shamrock, Ney, Silent Sanctuary, Jovit Baldivino, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, at Kenyo.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BAGONG HIMIG

BAGONG TINIG

CHARICE PEMPENGCO

FRANCIS MAGALONA

HIRO PERALTA

KAHIT

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with