^

Pang Movies

Mark hindi keri na magpakita ng katawan!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

Dalawang shows ng Kapuso actor na si Mark Herras nang nagtapos nitong nagdaang buwan. Ang pagtatapos ng Sunday variety show na Party Pilipinas kung saan regular siyang napapanood at ang afternoon drama na Unforgettable. Masayang malungkot ang nararamdaman ni Mark.

 â€œBoth shows Party Pilipinas and Unforgettable are close to my heart. Sobrang marami akong memories while doing these shows. I gained a lot of friends at ’yung bonding namin sa set hindi talaga matatawaran. Masaya and I will terribly miss them, ’yung mga nakasama ko (Unforgettable),” sabi ni Mark.

Kapalit ng Party Pilipinas ang Sunday All Stars at naitanong namin sa kanya kung umiyak ba siya noong malamang mag-e-end na ang Party P.?

 â€œHindi. Hindi ako umiyak. Nagpigil lang.

“Pero siyempre, malungkot din ako na... alam mo ’yun? Iba rin kasi ’yung pinagdaanan namin sa Party P.,” sagot pa ni Mark.

Samantala, tungkol naman sa love life niya, happy ang dancer-actor dahil limang taon na ang relasyon nila ni Ynna Asistio. Ano nga ba ang sikreto at nagtatagal sila?

 â€œActually, si Ynna ’yung may sikreto eh. Siya ’yung parang napaka-understanding na girlfriend. Napakalaki ng pang-unawa niya sa relasyon namin at siguro ang pinaka-sikreto rin namin ay open kami sa isa’t isa eh,” sabi ni Mark.

Aware naman kaya siya na maraming nagsasabing dati raw ay marami siyang fans na kinikilig pero unti-unti silang nawala mula noong naging girlfriend niya na si Ynna?

Sabi niya, “Hindi po ako papayag na si Ynna ’yung dahilan na kung bakit… well, hindi naman nabawasan ’yung shows ko. Nagkataon lang na this time may karapatan na ako na mamili ng ginagawa ko, unlike before na Monday, Tuesday, Wednesday hanggang Sunday may taping ako. May ginagawa ako.

“Hindi po si Ynna ang dahilan kung bakit sa tingin ng tao nag-lie low ’yung career ko, hindi po.”

Ngayong 26 years old na nga siya, handa na ba siya sa pagpapa-sexy?

 â€œEwan ko. But dati tinatanong sa akin kung ready na ba ako magpa-sexy, actually, hindi ko kasi target ’yung ganyan eh. Ayoko siyang pasukin eh.

“Kasi madami naman sigurong project pa na hindi mo kailangang magpa-sexy. Puwede rin namang maging dramatic actor, na hindi kailangang magpa-sexy,” sabi pa ni Mark.

 

 

vuukle comment

AKO

MARK HERRAS

MASAYA AND I

PARTY P

PARTY PILIPINAS

YNNA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with