^

Pang Movies

Pagbatikos kay Vice Ganda, hindi pa tapos!; Kahit parehong tomboy, Charice malayo sa ugali ni Aiza

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangan pa bang umamin on public television ni Charice na tomboy siya? Never namang ginawa ’yan ni Aiza Seguerra ah?

Ang hindi lang maganda sa ginawa ni Charice ay ’yung diumano’y pag-iwan niya sa lola niya at pagkakaroon ng away sa ina. Naringgan ba nating may ganyang isyu si Aiza? Mabait nga siyang anak at hindi pinababayaan ang Mommy Caring at Daddy Dick niya.

Naku, marami ring tomboy sa showbiz pero open secret ’yan! Pati na ang mga bading. Eh, ’yun ang sexual preference nila so why question them?

Kuwestiyunin natin ’pag mali na ang ginagawa. Gaya ni Vice Ganda na hindi pa rin tapos ang komento laban sa kanya. He said his piece pero still nag-snowball na ang bumabatikos sa kanya.

Maging si Monique Wilson na umaming gay din ay sumali na rin sa pagbatikos sa kanya. Tinagalog na lang sana ni Monique ang pahayag niya upang mas lalong maintindihan ng masa ang nais niyang ipaabot.

Sayang nga lang at hindi binasa ni Arnold Cla­vio ang text ni Richie D’ Horsie tungkol sa statement ng “orga­nisasyon” na kinabibilangan niya kung saan maituturing din na miyembro si Vice Ganda.

Mike puwede sa pumping scene, ayaw sa laplapan sa kapwa lalaki

Ayaw nang ulitin ni Mike Tan ’yung rumampa sa stage ng naka-briefs lang. Wala raw kinalaman ’yung mahinang pagtanggap sa kanya ng tao nang gawin niya iyon.

“Hindi ko naman kailangang rumampa lagi at ipakita sa mga tao na naka-briefs ako,” sabi ni Mike nang aming makausap sa presscon ng Mga Basang Sisiw.

Eh kung operan siya ng indie film na sexy, hanggang saan ang kaya niyang gawin?

“Hindi ko pa alam. Hindi ko rin alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Kapag nabasa ko ang script at nakita kong kaya kong gawin, interesante naman, hindi lang basta hiningi na magpakita lang ng puwet, bakit hindi?” tugon ng aktor.

Kaya ba niya ang pumping scene?

 â€œOo, basta ako ang magpa-pump! Baka mamaya ako ’yung…” natatawang sagot niya.

Hindi nga lang siya komportable na magkaroon ng kissing scene sa kapwa lalaki.

 â€œHindi ko pa kaya. Hindi sa ayaw pero hindi ko pa kaya.

“Siguro lagi naman tayong may options. Kung ano ang gusto nating gawin at kaya nating gawin. Sa ngayon, hindi ko pa talaga kaya kahit sabihing matanda na ako,” katuwiran ni Mike.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ARNOLD CLA

CHARICE

DADDY DICK

KAYA

LANG

NIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with