^

Pang Movies

Most wanted na mga kriminal sa bansa, tutugisin ng SOCO

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas paiigtingin pa ni Gus Abelgas ang paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng krimen sa kanyang programang  SOCO na iuukol ang buong buwan ng Hunyo sa pagtugis ng mga kriminal ng mga pinakamalalagim na krimen sa bansa.

Kasabay ng kampanyang tulungan ang mga nag­hahanap ng katarungan, inilunsad na rin ng SOCO ang microsite nitong www.abs-cbnnews.com/soco/wanted kung saan nakapaskil ang mga detalye ukol sa mga kriminal at kung paano makakatulong ang mga manonood sa pagdala sa kanila sa hustisya.

Tampok sa buong buwan ng Hunyo ang limang episodes ng pagsasadula ng mga krimeng ito.

Ngayong Sabado (Hunyo 1), itatampok ang paghahanap sa isang pulis na 20 taon nang nagtatago sa batas para sa pagkakapatay niya sa apat na kapamilya ng kanyang dating nobya. Ani Elizabeth Mutuc, sumama ang loob ng kanyang dating nobyo na si PO2 Zarry Perez nang tumungo siya sa Japan upang magtrabaho at nang hindi siya nakauwi sa Pilipinas ay tuluyang pinatay ang kanyang pamilya.

 

vuukle comment

ANI ELIZABETH MUTUC

GUS ABELGAS

HUNYO

KASABAY

NGAYONG SABADO

PILIPINAS

TAMPOK

ZARRY PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with