^

Pang Movies

Piolo at Angelica babad ang laplapan!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe raw ’yung kissing scene nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban sa Apoy sa Dagat ng ABS-CBN. Sizzling at babad talaga. Ang tagal!

Kaya nagtakip ng mata ’yung apo kong si Jeppoy. Kinikilabutan ang bagets! Mabuti at may bantay na yaya kaya SPG (Strong Parental Guidance)!

Mga engkanto hindi na kailangan ni Juan dela Cruz

Sana ’wag na lang ipagpatuloy ’yung mga eksena na hindi na magandang panoorin — ang paglalagay ng mga kaharian at naka-costume pa ang mga bagong karakter sa Juan dela Cruz. Parang wala namang latoy na lagyan pa kuno ng kaharian ng mga engkanto.

Maganda na ’yung tungkol sa aswang ang takbo ng orihinal na istorya ng Juan dela Cruz na kunwari sa totoong buhay ay mayroong tao na nagiging aswang. Ang paniwala kasi talaga ng iba sa mga probinsiya ay may mga nag-iiba ng anyo, mula sa tao ay may nagiging aso at baboy. Mukhang hindi pa yata nangyayari sa mga kuwento-kuwento na ang aswang daw ay nagiging anyong tao na umiitim, nanlilisik ang mga mata, at tumutulis ang mga kuko. At ito ang nakikita nila sa Juan dela Cruz kapag sumalakay ang mga taong aswang sa mga lugar na gusto nila. 

Sana mag-concentrate na lang sa kuwento ng mga aswang ang ABS-CBN series ni Coco Martin. Parang hindi naman relevant sa takbo ng istorya ang mga nakaraang episode na sa kaharian ng engkanto na napapanood sina Shaina Magdayao at Tonton Gutierrez. Ayaw!

Kuya Germs sinadya na umabsent sa birthday party ni Guy

Hindi dumating sa birthday event ng superstar na si Nora Aunor ang kanyang best friend na si German “Kuya Germs” Moreno. Nasa States daw ang Master Showman pero mukhang sinadya ni Kuya Germs na magpunta lang doon dahil natunugan niya na bibigyan ng big party si Mama Guy ng TV5 kaya inunahan niyang umalis. Nang-intriga pa kami!

Pero rason ni Kuya Germs ay may isang overdue commitment siya sa US. True kaya? Ma! Eh knows natin si Kuya Germs na basta Nora Aunor, kahit hadlangan mo ng sibat, lulusot ’yan!

Young actress ikinakalat lang ang napkin at panty na may dugo!

Burara raw ang young actress, tsika ng bading na friend niya na siyang tumatayong dyulalay, kasi ’pag niregla at nag-alis ng napkin ay ikinakalat na lang nito kung saan pati na ang panty na may dugo.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

COCO MARTIN

CRUZ

KUYA GERMS

MAMA GUY

MASTER SHOWMAN

NASA STATES

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with